AHENTE NG PALAY KRITIKAL SA PAMAMARIL

kritikal

ISABELA – INIIMBESTIGAHAN ng Roxas Police Station ang motibo ng pamamaril sa isang ahente ng palay habang papauwi na ito sa kanilang tahanan mula sa isang lamay sa Barangay San Placido, Roxas ng nasabing lalawigan kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Arthuro Cachero, hepe ng Roxas Police Station ang biktima na si Christopher Cabanilla, 36-anyos, may asawa at residente ng San Placido, Roxas, Isabela.

Batay sa ulat ng Roxas Police Station, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng hatinggabi kung saan ay sakay ng motorsiklo ang biktima at pauwi na sa kanilang bahay matapos makipaglamay nang paputukan ng hindi pa nakilalang suspek na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kamay na tumagos sa kanyang katawan.

Agad na dinala sa Manuel A. Roxas District Hospital ang biktima ngunit inilipat sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa lungsod ng Tuguegarao dahil sa kritikal na kalagayan nito.

Ayon kay PMaj Cachero, nakuha sa crime  scene ang apat na basyo ng bala ng caliber 22 magnum. IRENE GONZALES

Comments are closed.