AI AI DE LAS ALAS INAMIN NA NAGING ‘OTHER WOMAN’

KUNG dati, hindi game ang ko­medyanang si Ai Ai delas Alas tungkol sa kanyang extramarital affairs, The pointngayon wala na siyang gustong itago.

Masaya na siya sa kanyang buhay may-asawa at kung magbabahagi man siya ng tungkol sa kanyang nakaraan, ito ay para ma­ging babala sa lahat na huwag itong tularan.

Sa isang panayam, matapang na ikinuwento ng Kapuso actress na naging kabit siya. Ito ay noong panahong nagsasama pa sila ng singer na si Miguel Vera na tatay ng dalawa niyang anak.

Hirit niya, noong una raw ay wala siyang ideya na kasal na si Miguel sa iba kaya nagtuloy-tuloy ang kanilang relasyon.

“Kumbaga , ‘yung pagiging kabit in the city ko ‘di ko pa rin naman masyadong alam”, aniya. “Alam ko na noong huli pero gi-no ko pa rin. So mali pa rin ako,” dugtong niya.

Aminado rin siya na, iyon ang panahon na dumanas siya nang katakot-takot na hirap.

“Cryola ka nang cryo­la! Mahirap! Syempre, kung ano lang time para sa ‘yo. Siyempre, doon siya kay Cristine”, ani Ai Ai, “Parang ang bigat-bigat ng buhay mo tapos lagi kang malungkot,”pahabol niya.

Ito rin daw ang naging dahilan kaya nagdesisyon siyang wakasan na ang kanilang relasyon ni Miguel.

“Kasi wala ka rin namang peace, e. ‘Di rin naman sa ‘yo siya umuuwi. Doon pa rin naman siya umuuwi. E, hindi ko naman kaya ‘yung gano’n. Okay na din na maging magkaibigan na lang kami. ‘Yong di ako nako-konsensya,” esplika niya.

Sa ngayon daw, nananatili silang mabuting magkaibigan ni Miguel at hindi rin niyang pinagkaitan ang kanyang mga anak na makilala ang kanilang ama.

Si AiAi ay isa sa mga hurado ng pinag-uusapang reality talent competition show sa GMA-7, The Clash na nasa second season na ngayon.

Mainstay rin siya ng Kapuso noontime variety show na “Sunday Pinasaya”.

DARREN, KZ, YENG MAGPAPASIKLABAN

KAABANG-abang ang One Music X Manila, ang pinakamalaking international Filipino music festival naOne Music X gaganapin sa Nobyembre 22 sa Cen-tris Elements sa Quezon City.

Sa musical event na ito, pinagsama-sama ang pinakasikat at pinakamagaling na musical performers na ito tulad nina Darren Espanto, Yeng Con-stantino, KZ Tandingan, Sandwich, Itchyworms, Mayonnaise, IV of Spades, Agsunta at mga sorpresang panauhin.

Maliban sa Singapore at Manila, nagkaroon na rin ito ng sold-out concerts sa Dubai at United Arab Emirates.

2 thoughts on “AI AI DE LAS ALAS INAMIN NA NAGING ‘OTHER WOMAN’”

Comments are closed.