AI AI DELAS ALAS AT BAYANI AGBAYANI PATAWA TO THE MAX!

aiai and bayani

LAUGHTER is the best medicine.

Totoong-totoo ito sa ipinadama ng pelikulang “Feelennial” nina Ai Ai delas Alas at encounters with pmBayani Agbayani na nasa edad na nang magkaroon ng mid-life crisis pero gustong itawid ng mga mahal nila sa buhay na malayo sa kalungkutan nang pagiging mag-isa.

Ilang dekada nang magkaibigan sina Ai Ai at Bayani pero ngayon pa lang sila nagsama sa isang proyekto.

Napakaganda ng reaksiyon ng mga manonood sa istoryang ang producer na si Pops Fernandez ( her DSL Productions) ang may konsepto. Tawa to the max!

Ai Ai as you’ve never seen her make people laugh. Bongga rin ang kemis­tri ni Nar Cabico na sabi ko nga eh siya nang papalit kay Roderick Paulate sa pagpapatawa. At promising ang bagets na gumanap na anak ni Ai Ai  at pamangkin ni Bayani.

First ni Direk Rechie del Carmen ito sa pelikula. Na nasanay na sa mga kadramahan ng “MMK” at iba pang soaps sa Kapa­milya hanggang sa Kapuso.

Bongga rin naman pala sa pagpapatawa si Direk na ang pakiramdam nga eh, “Naawa na ‘ata si Pipay sa akin kaya sa akin niya ibinigay ang proyektong ito!”

Kasama ni Pipay, bukod sa mga taga-Cignal Entertainment headed by the MVP (Manny V. Pangi­linan) na nakitawa sa mga manonood ang Mommy Dulce niya, si Martin at kanilang mga anak, si Zia Quizon, Diana Zubiri and husband at ang mga co-producers ni Pops gaya ni Cora Rodrigo.

Para sa buong pamilya ang pelikula na walang pretensiyon sa pagdadrama. A feel good movie na dadamdamin mo why some people still want to fall in love sa panahon ng mga gadget and apps and online dating.

Feel the millenial vibe. Kiligin. Get #shookt!

Aliw ang mga naglipanang dialogues! Kaaya-ayang breathtaking views and locations gaya sa Baluarte ni former Governor Chavit Singson sa Ilocos Sur.

Congratulations sa first venture ni Pipay!

UPDATE ON GERALD SANTOS AFTER HIS SUCCESSFUL HOMECOMING CONCERT

SA isang pakikipanayam kay Gerald Santos na gumanap na Thuy sa katatapos na Miss Saigon sa London, inilahad niya ang kanyang mga ginagawa matapos ang kanyang homecoming concert.

“Hello Tita Pilar!

“Firstly, thank you for watching my homecoming concert! Thank you for all your support!

“Re my plans, I will continue processing my UK working visa, kapag lumabas ‘yung working visa ay 90 days ang earliest ko na puwedeng makaalis ng bansa, I will stay here for a longer time. But I really want to go back to the UK para i-pursue ‘yung theatre career ko roon.

“I have an agent in the UK and I might also do some TV and/or film projects there, keeping my fingers crossed!

“For now, I will be very busy with corporate shows, TV guestings and yes, I am doing my 5th studio album under Star Music para kahit umalis ako ng Pinas ay may maiiwan ako sa mga supporter ko.

“Right now, we are carefully studying the type of music na iiwanan ko sa mga kababayan natin. We are meeting with Star Music to discuss everything about my music and their plans for me as their contract artist.

“I would really love to do a musical play here, para naman mas makilala ako ng mga local theatre lovers here. Gusto ko lumawak pa ‘yung audience ko as a performer.

‘Yung mga surprise big announcements ay abangan nila! Marami akong sorpresa sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin! Siyempre para rin sa mga kababayan natin.

“Love you Tita Pilar! Thank you!”

Comments are closed.