AI AI DELAS ALAS AT GERALD WALANG AWAY

AIAI-GERALD

NANG usisain ang Queen of Comedy na si Ai Ai delas Alas sa estado ng pagsasama nila ng mister na encounters with pmsi Gerald sa ipinag-diriwang nilang ikalimang taong ani­bersaryo ng kanilang relasyon, simple ang sagot ng Pambansang Ina.

“Surprised! Na puwede pala sa mag-asawa ‘yung hindi kayo nag-aaway. Hindi ko sinasabing perpekto ang pagsasama namin. May mga tampuhan din pero mabibilang mo lang talaga at hindi pa ‘yung grabeng away o pagtatalo!”

Kaya nga nang may magtanong sa isa sa mga anak-anakan niya sa Ex Battalion sa na-eskandalong away nito at misis niya, bilang isang ina hindi naman pala nagkulang si Ai Ai sa pagbabahagi ng pieces of advice rito.

Kaya naman isinasaayos na nga raw ng nasabing Ex Battalion member ang kanyang marriage.

May pelikula si Ai Ai kasama ang Ex Battalion sa Viva Films, ang “S.O.N.S. (Sons Of Nanay Sabel) na kabaligtaran naman daw ng na­ging role niya sa serye ng “Tanging Ina.”

“Dito flawed o palpak na nanay ako sa kanila. Kasi ipinamigay ko sila at sarili ko ang inuna ko. Until isa-isa ko silang hinanap matapos ko silang iwan sa ampunan.”

Nakasundo ni Direk Dado Lumibao ang kanyang artists kahit pa nga newbies talaga sa harap ng camera ang Ex Battalion na ikinaloka man ni Ai Ai na inabot ng take 17 ang isa eh, inunawa na lang niya.

“Kung iba ‘yun, nag-walk out na ako. Pero mga anak ko, eh.  Kaya first and last na raw nila ito. Kaya sa Labor Day, sa May 1, 2019, panoorin niyo kami sa mga sinehan.”

Kasama rin sa pelikula sina Kylie Verzosa, Jon Santos at Joey Marquez.

Riot na naman ito for sure!

ZSA ZSA PADILLA NAWINDANG NA KASAL SA ISANG HAPON NA ‘DI KILALA

ZSAZSA PADILLA-2DEVASTATED si Zsa Zsa Padilla sa kuwento kay MJ Felipe sa press conference for her concert at the Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila na “Totally Zsa Zsa!” on May 16, 2019.

May kinalaman ito sa dahilan kung bakit hindi naa-annul ang kanyang kasal.

Natuklasan niya kung anong paraan naging asawa at ikinasal siya sa isang Hapones noong 1991, taon kung kailan niya isinilang ang anak na si Zia kay Dolphy.

Natuklasan ito ni Zsa Zsa at ng kanyang partner ngayon na si Conrad Onglao dahil kinukompleto na nila ang mga kailangan pa-ra sa plano na rin nilang paglagay sa tahimik.

Ginawa nina Zsa Zsa ang lahat, ang pag­hanap sa nasabing Hapones pero hindi naman ito makita at walang makapagturo.

“Umiyak talaga ako when I learned about it. Kasi, paano’ng nangyari. Nasa US kami noon. At saka sino siya?”

Nang usisain namin si Zsa Zsa tungkol sa kasal, sinabi naman nitong malamang na by the end of this year na ito maganap.

“Simple lang. Ayaw ko na ng magarbo. ‘Yung intimate lang. What am not sure yet is kung dito or sa ibang bansa ito mangyayari, as most of our relatives are abroad. Wherever it may be, the important thing is matupad na ‘yung wish and prayer namin to be wed.”

Until the end of the year, nai-pencil push na pala ni Conrad ang mga travels nila ni Zsa Zsa after ng concert nito sa US in June. Though sa Holy Week, rest lang daw sila sa El Nido in Palawan.

Ang hectic schedule niya ang magsisimula na para sa rehearsals for “Totally Zsa Zsa!” ang nagpabago sa role niya sa bagong serye ng Kapamilya na “Love Thy Woman.”

“I will be portraying na Xian Lim’s Mom. Nagulo na ang sked. Sayang, pero am sure it’s a good role as I will be the moral com-pass of Xian’s life. Hindi ko pa lang alam kung sino ang father niya.”

Though, nagkatrabaho na sila in a Seiko Film with Dolphy decades ago, unang pagkakataon na makakasama ni Zsa Zsa sa en-tablado bilang musikero si Ian Veneracion.

“I know I was the one na nag-suggest sa kanya kina Homer Flores and our director Floy Quintos. It will be a night of nostalgia with Ian and Karylle and Zeus Collins doing the millenial bit.”

Sabi ni Zsa Zsa, this will be her Mothers’ Day and advanced birthday treat to all her fans!

Comments are closed.