AI AI DELAS ALAS AYAW NANG MAKIALAM KAY JIRO MANIO

NASASANGKOT na naman sa kontrobersiya ang magaling at dating award-winningThe point child actor na si Jiro Manio.

Ito ay pagkatapos na mapabalitang nanaksak siya sa isang engkuwentro sa isang nagnga­ngalang Zeus Doctolero at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Nahingan naman ng pahayag ang comedy queen na si Ai Ai delas Alas tungkol dito.

Matatandaan kasing noong 2015, nang masangkot sa kontrobersiya si Jiro, si Ai Ai ang isa sa mga unang tumulong sa kanya.

Naging malapit kasi sa actress si Jiro noong ginawa nila ang “Ta­nging Ina” series. Tinulungan ni Ai Ai si Jiro nang matagpuan itong pagala-gala sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Katunayan, inilagay pa nga niya ito sa isang rehab facility  sa Quezon City kung saan namalagi ang “Magnifico” star sa loob ng walong buwan.

Noong akala niyang magaling na ito at puwede nang magbalik-showbiz dahil na rin sa abiso ng mga doktor, ikinuha pa niya ito ng condo unit malapit sa GMA-7 at tutulungan sanang makabalik sa limelight via “Magpakailanman.”

Pero, bago pa man natuloy ang guesting nito, umayaw na agad ito at doon na siya nabahala muli sa kalagayan nito.

“Ganun ‘yung utak niya. Sabi ko ‘Parang hindi pa magaling si Jiro.'”

Pagkatapos na kausapin muli ang mga doktor nito, nagdesisyon si Ai Ai na ibalik sa  isang rehab facility ang protégée ng namayapang director na si Maryo de los Reyes.

“This time, sa mas malayong lugar, sa Bataan” where he stayed from 2016 to the first quarter of 2018,” kuwento niya.

Buong akala raw niya na nagbago na ang dating actor pero nagkamali raw siya. Nalaman daw niyang gumagamit pa rin ito ng bawal na gamot.

“Pakiramdam ko, lahat ng binuhos kong effort, tulong, pangaral, suporta, parang natapon na lang,” ani Ai Ai.

Nang ipabatid naman daw sa kanya ni Jiro na babalik siya sa kanyang pamilya, doon na raw siya sumuko.

“Nawalan ako ng pag-asa. Hindi ko na siya pinansin. Ano pa ang magagawa ko?,” aniya.

Mula raw noon, nawalan na siya ng kontak dito at lately lang nalaman niya ang gulong muling kinasangkutan nito kung saan sinaksak nito ang isang nagnga­ngalang Zeus Doctolero at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

“Until ngayon. Heto na ang nangyari sa kanya ngayon. Siguro alam naman ng nasa Itaas kung anong effort ‘yung nagawa ko at naitulong ko sa kanya. Na sana, pinahalagahan niya,” pagtatapos niya.

Sey pa niya, paano raw niya tutulungan ang isang taong hindi kayang tulungan ang kanyang sarili.

Sa ngayon daw, ang tanging magagawa niya kay Jiro ay ipagdasal na sana ay matagpuan na talaga nito ang tunay na landas sa pagbabago.

4 thoughts on “AI AI DELAS ALAS AYAW NANG MAKIALAM KAY JIRO MANIO”

  1. 36867 48786This design is steller! You certainly know how to keep a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Great job. I actually enjoyed what you had to say, and far more than that, how you presented it. Too cool! 70325

Comments are closed.