AI AI DELAS ALAS ‘DI INAKALA ANG TAONG NASA LIKOD NG BASHERS NIYA

NOONG una ay dedma lang si Ai Ai sa pamba-bash sa kanya at mister na si Gerard Sibayan, nang mag-wallfacepost sa kanyang social media account si Ai Ai sa unang pagkakataon na magpalipad ng eroplano ang kanyang asawa na kumuha ng pilot course. Kahit si Gerard ay pinagtanggol naman ang misis.

At nang mag-post na naman si Ai Ai ng isa pa ring magandang pangyayari sa kanyang buhay, ang pagkapanalo ng best actress award sa 2019 Fan-tasporto International Film Festival sa Porto, Portugal na muli na namang inulan ng negative comment ang kanyang account.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita ni Ai Ai ang isang kaibigan at nagtanong ito hinggil sa hiwalayan diumano ng isang showbiz couple. Nang tingnan ni Ai Ai ang naturang account ay nakumpirma niya na iisa ang kaibigan na nasabihan niya ng hinggil sa hiwalayang isyu. Dalawang tao lang daw ang nasabihan ni Ai Ai. ‘Yung isa ay non-showbiz friend at ‘yung isa naman ay konektado sa showbiz.

Dito nga nabuo ang hinala ni Ai Ai na nagba­yad ng mga trolls ang isang kaibigan para sirain siya sa mga magagandang nangyayari sa buhay niya. Ayon pa rin kay Ai Ai, nagtataka ta­laga siya kung ba­kit siya napuputakti ng hate message ganung wala naman daw siyang taong inaagrabiyado.

Sa pangyayaring ito, imbes magalit si Ai Ai sa dating kaibigan ay naawa na lang siya dito at pinaalalahanan ang dating kaibigan ng power ng karma.

MARICAR DE MESA PAHINGA NA MUNA ANG PUSO

MARICAR DE MESAINAMIN ng sexy actress na si Maricar de Mesa na matagal na silang hiwalay ng kanyang partner na Kano at nasa sa kanya ang kanilang baby girl na si Allana Sky. Kung ang pag-uusapan ay ang tungkol sa nangyari sa kanyang kasal, matipid si Maricar sa pagsagot dahilan na rin sa civil silang mag-asawa ngayon at patuloy pa rin ang komunikasyon nila para sa anak. Hindi naman daw paba­yang ama ang dating partner ni Maricar at regular nitong pinapadalhan ng financial support ang anak.

Pero say ni Maricar, isang dahilan ay ang pagkakaroon ng long distance relationship, US based kasi ang kanyang partner samantalang dito naman sa Pinas naka-stay si Maricar. Sa parte naman ni Maricar, back to work na muna siya para na rin sa ibang panga­ngailangan nilang mag-ina. Sexy at tila palaban pa rin ang alindog ni Maricar, kasama na rin kaya sa pagbabalik showbiz niya ang pagpapa-sexy, kung saan siya nakilala ng husto?

Ani ni Maricar, out na raw siya sa pagpapa-sexy, at binibigay na raw niya yun sa mga nakakabatang artista. Pagdating naman sa lovelife, wala na raw muna ito sa kanyang focus, mas naka-sentro ang buhay ngayon ni Maricar para sa anak at sa trabaho. Halos magkasunod na nauwi rin kasi sa ‘wa-la’ ang lovelife ni Maricar, una na rito ang kasal nila ng basketbolistang si Don Allado at sa non-showbiz boypren.

Samantala, bisi-bisihan ngayon ang byuti ni Maricar sa bagong teleserye niya sa Siyete, ang “Dragon Lady” kasama sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.

Comments are closed.