ITINUTURING ni Ai Ai delas Alas na lucky charm niya ang director na si Louie Ignacio.
Una kasi siyang naidirehe ng premyadong director sa pelikulang “Area” kung saan ginagampanan niya ang role ng isang aging prostitute noong 2017.
Nagwagi ito ng best actress awards para sa komedyana sa 2nd Los Angeles International Film Festival sa California, 7th Queens World Film Festi-val sa New York at 3rd ASEAN International Film Festival sa Kuching, Malaysia.
Idinirehe rin siya ni Direk Louie sa “School Service” para sa Cinemalaya noong nakaraang taon kung saan nanalo siya ng Balanghai trophy for best actress.
Ngayon namang taon, muli na naman siyang nasorpresa nang itinanghal siyang best actress sa katatapos na 39th Fantasporto International Film Fes-tival sa Portugal para sa huling nabanggit na pelikula kung saan naka-tie niya si Ina Raymundo ng “Kuya Wes”.
Hindi expected ni Ai Ai na mananalo siya kaya naman sobrang pasasalamat niya na patuloy pa ring napapansin ng mga kritiko at international audi-ence ang kanyang ikalawang Cinemalaya movie.
Dahil sa click ang kanilang pagsasama, wish ni Ai Ai na gumawa pa ng pelikula under Direk Louie.
BEA ALONZO DREAM COME TRUE ANG MAKATRABAHO SI CHARO
HINDI ikinaila ng magaling na aktres na si Bea Alonzo na noong unang maka-eksena niya ang premyadong aktres na si Charo Santos ay kinaba-han siya.
Tulad kasi ng ibang artista at mga baguhan, feeling nila napaka-intimidating ng presence ng dating ABS-CBN President at ngayon ay Chief Content Officer ng ABS-CBN University.
Gayunpaman, sobrang honored daw siya dahil natupad na ang isa sa mga bucket list niya bilang artista.
“It’s a dream come true for me,” pahayag niya. “Siyempre, intimidated ako noong una because of her stature. But I quickly felt comfortable with her kasi nakikipagkuwentuhan talaga siya. Not the type na alam mong small talk lang but you can feel na sincere talaga siya and she’s really listening to you. She turned out to be very friendly and approachable” aniya.
First time mapanonood ni Bea sa isang horror film dahil aminado siyang takot na gumawa ng horror films.
Takot daw siya sa dilim pero nang mabasa niya ang iskrip ng “Eerie” at nalaman niyang no less than Asia’s best actress na si Ms. Charo Santos ang makakasama niya, hindi na raw siya nagdalawang-isip pa.
Sa pelikula, ginagampanan niya ang papel ni Pat, isang modernong guidance counsellor sa isang exclusive girls’ school na mas naniniwala sa siyensiya kesa sa makalumang paniniwala ng simbahan.
Magka-clash ang kanilang ideyolohiya ng istrikto at old-school nun na si Sor Alice na ginagampanan ni Charo, na pinaghihinalaang suspek sa pagpapatiwakal ng isang estudyante sa nasabing paaralan.
Mula sa direksyon ni Mikhail Red (Birdshot, Neomanila), tampok din sa Eerie sina Jake Cuenca, Maxene Magalona, Mary Joy Apostol at marami pang iba.
Comments are closed.