AI AI DELAS ALAS: MAG-INGAT SA MGA ONLINE SCAMMER

AI AI DELAS ALAS

TILA wala nang kinatatakutan at pinipili  ang mga scammer ngayon. Mantakin  hotshotsninyo  na nagagawa  nilang  biktimahin  ang mga artista at mga  anak ng artista.

Walang  silbi  o  epekto ang mga nagkalat na CCTV dahil walang takot  nilang  hinaharap  pa ang mga bibiktimahin.

Tulad nang nangyari sa mga anak ni Ai Ai delas Alas na nabiktima ng online scammer. Si Sancho delas Alas ay nabiktima ng pinagbentahan niya  ng relo, habang ang dalaga ni Ai Ai na si Sophia ay  nabiktima  ng ticket na binili niya para sa isang Korean artist.

Warning  at  panawagan nga ni Ai Ai sa kanyang Instagram post sa netizen:

“MAG-INGAT  SA  MGA  ONLINE  SCAMMER – kagabi sabay pang na-scam  ang mga anak ko. Si Sancho kasi  maraming  relos, ibinebenta  na niya  ‘yung iba tutal ‘di naman na niya nagagamit. At si Sophia  naman sa ticket, para sa oppa Cha Bun Woo…

“Hay  naku kung sino man kayong mga demon­yo kayo ‘di man kayo mahuli pero naniniwala ako sa karma..makuha n’yo man  ‘yan, di n’yo  din ‘yan mapapakinabangan kasi walang masamang gawain ang nagwawagi.

“Ma­ging  aral  na lang ito  sa kanila at sa atin na mag-ingat sa online sellers and buyers…magandang umaga.”

RELASYONG DEREK AT ANDREA ‘DI NA NAKAPAGTATAKA      

HINDI na nakagugulat  kung magkaroon ng relas­yon sina Derek Ramsay at Andrea Torres dahil kilala diumano raw ang actor na matinik sa babae.

Hindi naman masisisi ang mga kababaihan na mahulog ang loob sa actor dahil malakas talaga ng appeal nito sa mga kababaihan.

Pero ang pinanga­ngambahan ng mga nagmamahal kay Andrea ay baka raw umano matulad din ito sa mga na­ging babae o karelasyon ng actor na hindi rin nagtagal ang pagmamahalan na nauwi rin sa hiwalayan.

Ang pag­hihiwalay ng dalawang nagmamahal ay mas talo ang babae kaysa sa lalake. Sana lang ay si Andrea na nga ang huling babae maka-karelasyon ni Derek.

Samantala,  mananatili pa rin at hindi lilisanin ni Andrea ang Bubble Gang na napanonood every Friday sa GMA 7.

Naging busy lang si Andrea kaya hindi muna ito napapanood sa longest-running gag show sa telebis­yon, pero siguradong babalik siya sa BG kapag tapos na ang mga commitment.

Sa BG kasi nakita at natagpuan ni Andrea ang kasiyahan at tagumpay na tinatamasa niya ngayon kasikatan.

ARNELL IGNACIO NAGPATUTSADA KAY VICE GANDA

HINDI  feel ni Arnel Ignacio ang ipinalabas na eksena sa programa ni  Vice na ARNELL IGNACIO3Gandang Gabi Vice  last Sunday na kung saan nag-viral  nga ang bakla  na naka-uniform ng Boy Scout  na nagtatarayan at nagpapagalingan  sa pagsasayaw.

Mistulang  parang sinusulsulan kasi ni Vice ang mga bata na magtarayan  at  magkabugan sa pagsayaw habang nakasuot ng Boy Scout  uniform.

Ang reaksyon ni Arnell:

“Lintek naman! Ako, bading na, ha? Pero dapat namang alamin natin na HINDI lahat ng nakakaaliw ay tamang bigyan ng ganyang atensyon.” Sinang-ayunan  din ng ilang fashion designer.

“Isn`t this  a  disrespect of the Boy Scout`s  uniform? And Creed of Honor?” aniya

Halos  ganoon  din ang reaction ng ibang baklang komedyante.

Nagkakaisa silang nagsabi na, “Tapos, naka-uniform pa sila…Discrepect nga yan!”

Well, ano kaya ang maging reaction at masa­sabi ni Vice sa pasaring at patutsada sa kanya ni Arnell Ignacio?

One thought on “AI AI DELAS ALAS: MAG-INGAT SA MGA ONLINE SCAMMER”

  1. 831144 85371this is extremely interesting. thanks for that. we need to have a lot more sites like this. i commend you on your excellent content material and exceptional subject choices. 898857

Comments are closed.