AI-AI DELAS ALAS PLANO NA RING MAGSEMI-RETIRE SA 2020

Ai Ai

TULAD ng megastar Sharon Cuneta, nagbabalak na ring magsemi-retire ang chizmaxcomedian-actress na si Ai-Ai delas Alas.

Sabi nga ni Ai-Ai, “I’m happy for her kasi alam ko na dun siya magiging masaya.”

Sambit pa ni Ai Ai deserve naman daw ni Sharon ang mag-enjoy sa buhay nang walang ka-showbizan. 41 na taon na rin naman daw na nasa ang megastar.

Sa panig ng comedian-actress sinabi niyang magse-semi retire na rin daw siya next year mga month daw ng August.

May plano raw kasi silang mag-asawa (Gerald Sibayan) na magka-anak na sa pamamagitan ng via invitro fertilization (IVF) procedure.

Nangingiting sabi ni Ai Ai, “Looking forward, tingnan ko kung ano ba ang pakiramdam… ng bum.”

Hindi pa raw kasi niyang naranasang maging isang bum dahil mula’t sapul ay siya ang breadwinner sa pamilya.

SHARON PINATULAN ANG BASHERS DAHIL SA MGA YAYA

NAG-POST si Sharon Cuneta sa kanyang socmed ng mga picture ng kanyang yaya at sharon cunetayaya ng anak niyang si Frankie kasama ang dalawang assistant ni ng panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Ang kuhang larawan ay nu’ng nasa New York sila Shawie para ihatid si Frankie kung saan doon mag-aaral ng kolehiyo ang panganay nilang anak ni Sen. Kiko Pangilinan.

Hindi nakaligtas sa bashers ang pinost na picture ng megastar. Komento ni @itsmemialyn, ‘Ang pangit lang sa public na nakasuot ng uniform ang mga yaya dapat wala nang uniform ang mga yaya.

Ang megastar, ‘di nagpatumpik-tumpik at agad na binuweltahan ang netizen.

Ani Sharon sa basher, “I’m so sorry you think that way. I guess if I have to explain it to you pa, that means you won’t understand. When not in the Philippines – and I have taken with one to four yayas abroad.”

Inisa-isa ni Sharon kung saan-saang lugar niya sinasama ang kanilang mga yayas magmula raw Hong Kong hanggang Japan, America, Paris, London, Rome, Florence, Vienna, Zurich, etc. etc.

Binibilhan din daw niya ng mga souvenirs ang mga yayas.

“They do not have to wear uniforms but whatever clothes they wear and whatever shirts or jackets or souvenirs I buy for them, and the few hundred dollars EACH that I gift them with for their personal allowance to spend or to save – whatever they decide – and where they eat together with us the same food our family eats.”

In-explain talaga ni Shawie ang bawat detalye kung paano niyang tratuhin ang kanilang yayas.

Sinabi pa ng megastar na siguro raw dapat makadaupang palad ng bashers ang kanilang yayas at sila ang makakapagsabi kung papano silang inaalagaan ng Pangilinan family.

Marami pang sinabi si Sharon sa kanyang bashers na bandang huli ay kanyang pinasalamatan

Ang supporters ni Shawie sinabihang pakialamera ang bashers, e, hindi naman daw sila ang nagpapasahod ng yaya nina Sharon.

May nagsabi pang, “The mere fact they stayed with Sharon over the years means okay sila don.”

Kinumpara pa ni megastar ang kanilang yayas sa mga ‘Avengers’ at Superheroes.

Isang netizen naman ang nagkomento ng ga­nito, “Kailangan pa talaga niya i-brag yung mga bi­nibigay n’ya sa yayas nya, nagpapakita lang na half-hearted & selfish reason yung generosity n’ya. nakaka turn-off.”

“Juice colored i-enumerate talaga kung san nadala yung yaya. Mas believe pa ko sa mga celebrities na to kung pinagbakasyon on their own mga yayas nila. Kaya lang naman nila sinasama mga yayas para sa comfort nila hindi dahil gusto nila to ipasyal. Very degrading naman talaga naka-uniform, triggered agad si Sharon.”

2 thoughts on “AI-AI DELAS ALAS PLANO NA RING MAGSEMI-RETIRE SA 2020”

  1. 250762 451978This design is incredible! You certainly know how to keep a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almost…HaHa!) Great job. I really loved what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 681859

  2. 357804 565766You produced some decent points there. I looked on the net to the issue and discovered many people goes together with along along with your site. 155807

Comments are closed.