EARLY 2000 ng buksan ni Ai Ai Delas Alas ang kanyang Ai Ai Sarap sa harapan ng ABS-CBN pero dahil mismanaged ay nagsara ito.
Noong 2017 ay muling binuksan ni Ms. Ai ang kanyang resto na Ai Sarap Express sa Mother Ignacia Q.C na kanyang ipinamahala sa anak na si Sancho pero sad to say, close shop na rin ito. Pero tila ayaw talagang sukuan ng Comedy Concert Queen ang pagiging restaurateur at this time, ay mukhang nagtatagumpay naman siya sa binuksang Ai-sian Fusion Resto na nasa Level 4 ng Ayala Malls Cloverleaf sa A. Bonifacio Barangay Balingasa, Quezon City.
“Last last year pa namin to kinu-conceptualize. At dahil maayos ang income ay plano ni Ai Ai na mag-open ng another branch somewhere in the South. Dagdag pa ng Kapuso comedienne sa mga walang time na mag-dine-in sa kanyang resto ay available ang Ai-sian Fusion sa mga gustong magpa-deliver ng kanilang food tulad ng FoodPanda, HonestBee and GrabFood.
JESSA LAUREL BUKAS ANG PINTO SA PAG-AARTISTA
HABANG pinaplantsa pa ang gagawing first CD Lite album ay patuloy ang talent naming si Jessa Laurel sa paghasa sa kanyang boses. Yes, kahit bronze medal awardee na si Jessa sa sinalihang international competition na WCOPA ay ayaw nitong masyadong maging confident sa sarili. Gusto nito ay always ready siya para kapag sumabak sa concert ay prepared na siya.
At dahil maganda at marunong umarte ay bukas ang pinto ni Jessa sa pag-aartista at ready na rin siyang sumabak sa field na ito sakaling may dumating na offer. Nakausap namin ang kaibigan naming director na based sa Toronto Canada na si Reyno Oposa na isa ring independent movie producer. May gagawin siyang pelikula sa Pinas by November at plano niyang isama sa cast ng kanyang movie si Jessa. Puwede raw ang alaga namin sa role na co-teacher ng pinakabida niyang babae sa movie.
DABARKADS DORIS HERBOSA WAGI
NG BRAND NEW CAR SA ‘MAG-COMMENT NA’ NG EB
LAST Monday ay excited ang 40 Dabarkads na kabilang sa mga sumali sa “Mag-comment Na” dahil isa sa kanila ay may chance na makapag-uwi ng brand new Mitsubishi Mirage G4 GLX1.2 CVT. Ang mga piniling ito ni Bossing Vic Sotto ay mula sa homeviewers at binigyan din ng pagkakataon ang studio audience na makasali rito.
Bawat isa ay may susi ng kotse at ang pinaka-masuwerte sa mga ito na nabuksan ang susi ng Mitsubishi Mirage ay si Dabarkads Doris Herbosa ng Los Baños, Laguna at ayon pa sa lucky winner na ito ay gagamitin niya ang napanalunang kotse sa negosyo at pamamasyal nila ng kanyang pamilya.
Yes! Ganyan ka-galante ang inyong favorite number one and longest-running noontime variety show at bukod sa daan-daang libong cash at iba’t ibang papremyo na ipinamimigay nila sa daily Sugod-Bahay winner sa Barangay ay namimigay sila ng bagong bagong kotse.
Taray!