SINO nga ba ang pinatatamaan ni Ai Ai na nanloko sa kanya? Nagulat at nabulabog ang mga fan niya sa kanyang Instagram post tungkol sa mga taong nanloko sa kanya.
“Good morning everyone. Heto ang mga natutunan ko sa buhay sa pagdaloy ng panahon. TRUST GOD, ‘wag mawalan ng pag-asa, ang buhay ay pana-panahon, etc etc…
“Sa buhay ko ang pangarap ko dati maging flight attendant pero ‘di natupad.. Ngayon nasa show business ako, iniingatan ko ang bigay ng Diyos sa akin na trabaho or career kasi naniniwala ako na lahat ng bagay bigay ng Diyos…’pag ‘di mo iningatan sayang at baka bawiin niya sobra ako nagsisipag para sa pamilya ko, mga anak, magulang, para sa future namin ni Gerald at magiging anak namin.
“Simple lang naman ang pangarap ko buong pamilya at magkaron ng food chain kagaya ng Jollibee hahaha…. Pero minsan hindi natin ma-control ang nangyayari sa buhay natin na magtataka ka bakit nangyayari.
“Siguro may gustong ituro ang tadhana sa akin. At siguro para itama ang mga mali ko sa susunod na ma-encounter ko ulit ito… Minsan ‘di ko din alam bakit niloloko ako ng mga tao sa paligid ko…
“Sabi ng mga totoo kong kaibigan at asawa mabait ka kasi masyado…Ang sagot ng puso ko masama bang maging mabait? ‘Di ba ‘pag mabait ka matutuwa si Lord sa ‘yo?
“Anyway, sa mga nanloko sa akin sa negosyo si Lord na bahala sa inyo… basta ako happy na lang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko iba-balik lahat ni LORD sa akin, siksik, liglig at umaapaw at maraming blessings sa buhay ko.
“Mababait at magaganda ang mga anak ko, magaling na nanay ko, napakabait at mabuti ng asawa ko, mga totoong kaibigang maasahan at si LORD at Mama Mary na nakikinig parati sa ating mga dasal. God bless everyone!”
All out support naman ang mga tagahanga ni Ai Ai at ramdam nila ang pinagdaraanan ng Comedy Queen.
“So sad naman. God is watching Miss Ai, don’t worry, babalik din pera sa ‘yo tenfold.”
Ano kaya magiging reaksiyon or advice ni Kris Aquino sa dinanas ngayon ni Ai Ai na tulad din niya ay niloko rin daw diumano ng naging kasosyo sa negosyo?
KATHRYN BERNARDO AT SARAH GERONIMO SABAY NA NAKAKUHA NG 1ST BEST ACTRESS AWARD
TIE sa Best Actress sina Sarah Geronimo para sa pelikulang Miss Granny at Kathryn Bernardo sa pelikulang The How`s of Us sa katatapos na 35th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.
Hindi nakarating si Sarah sa Gabi ng Parangal na ginanap last Sunday sa Newport Performing Arts Theater Resorts World Manila, kaya si Kathryn lang ang umakyat sa stage para tanggapin ang award.
Madamdamin ang naging acceptance speech ni Kathryn at naikuwento niya na dumating daw siya sa punto na kinukuwestiyon niya ang kanyang pagiging actress.
“I was at a certain point in my career wherein I started questioning my capacity as an actress. Alam ko, most of you alam n`yo ‘yung story na ‘yun.
“And then I questioned myself why things weren’t working out the way I wanted to, “bakit binigay mo lahat pero bakit ganyan?” So, ang dami kong `whys` last year before we shot The How`s of Us.
“And then, alam n`yo, ‘yung pinakabaon na natutunan ko siguro while making this film, and then ‘yung ipinatuto sa akin ng universe – that life is not perfect , it doesn’t always go the way we wanted it to be, and itong awards na ito, this is a validation that true dedication really does pay off,” bahagi ng acceptance speech ni Kathryn.
At natural na hindi puwedeng makalimutang pasalamatan ni Kathryn ang boyfriend, ka-loveteam at kapartner sa The How`s of Us na si Daniel Padilla na dumating din sa Gabi ng Parangal ng Star Award for Movies.
“My love, thank you,” say ni Kathryn sa gitna ng nagsisigawang mga fans.
“Alam n`yo hindi ko magagawa ‘yung hinihingi kay George (ang character niya sa The How`s of Us) kung wala ‘yung tulong ni DJ. So, thank you, love,” say pa ni Kathryn.
Bukod sa Best Actress Award, ang loveteam nila ni Daniel Padilla ang tinanghal na Movie Loveteam of the Year.
Sa interview ng press kay DJ pagkatapos ng awards night ay sobrang happy ito sa natanggap na karangalan ni Kathryn at kanilang loveteam.
“Sabi ko nga sa inyo, matagal na niya dapat itong nakuha. Pero eto, siyempre, nakamit na niya. And I think, I`m just very, very proud and talaga, she really deserves it,” say ni Daniel
Sabi pa ni DJ, si Kathryn lang daw ang nagdala ng The How`s of Us talaga.
“Kung bakit umabot do`n, kung bakit ganu`n kaganda ang pelikulang ‘yun, kung bakit ganu`n kaganda ‘yung istorya, eh talagang nagampanan ng characters, lalo na si Kathryn. Talagang she deserves this, and she deserves more,” tsika pa ni Daniel.
Nang uriratin si DJ sa mga naging hugot ni Kathryn sa acceptance speech nito kung nasaan siya nang mga panahon na dumadaan ang girlfriend sa stage na ganu`n.
“Eh, nasa tabi niya,” aniya.
Comments are closed.