AI, BEDROCK OF HEALTHCARE

SA panahon ngayon, patungo na tayo kung saan iniaasa na ang lahat sa artificial intelligence. Kahit pa ang healthcare. Nanga­ngako kasi ito ng tunay na personalized care, mas mabilis at mas accurate na diagnosis, at groundbreaking research.

Para ka na ring nagkaroon ng personal na duktor, na naroon lamang sa bahay mo, at kahit anong oras, maaasahan, bukod pa sa mayroon itong napakahusay na diagnostic skills, at wala pang attitude problem.

Gayunman, bilang isang medical breakthrough, mahalaga pa rin ang tamang approach sa AI in healthcare. May mga ethical concerns na dapat suriin at siguruhing nasusunod upang magkaroon ng maayos na komunikasyon.

Hindi pinapalitan ng AI ang mga human healthcare professionals. Hindi pwede yon. Sa halip, tinutulungan lamang silang mapagaan ang kanilang trabaho.

Kaya naman, sa not-so-distant future, baka hindi na ang paborito mong duktor ang makakaharap mo, para i-discuss kung ano ang sakit mo at kung ano ang iyong treatment plan. Pwedeng kamukha niya at kaboses kaya hindi ka rin naman maninibago. Kasi, baka iyan ang kan­yang AI-driven surgical robot, na naghahanda na rin para magsagawa ng iyong surgery.

Mas comfortable dahil isipin mo na lang kung gaano ka katagal naghihintay dati para makausap ang duktor mo, na nagra-rounds pa sa ibang pasyente bago pumunta sa clinic? Minsan pa nga ay kailangan mo pang hintayin galing sa abroad. Sa tagal ng paghihintay mo, 15 minutes mo lang pala siya makakausap, at nagastusan ka pa ng P1000 consultation fee, pwera pa ang gastos sa taxi o gasolina ng kotse. Pero sa AI, anytime, anywhere,  pwede kang kumunsulta. Pareho rin ang bayad, minus yung transportation expenses at nasayang na oras.

It’s a brave new world, ladies and gentlemen, at ang AI ang nangunguna at sinusundan natin.

No, hindi po talaga sila ang bida — ang totoong duktor pa rin. Nagkataon lang na andito na talaga ang future ng healthcare, at pinatatakbo sila ng matalino, masayahin  at ever-advancing artificial intelligence.

Sa nalalapit na bukas, natural na mayroon itong mga hamon. Sinabi na nga natin kanina, ang mga ethical concerns, lalo pa at may kinalaman sa data privacy at sa ppotesyal na bias sa AI algorithms na dapat resolbahin sa lalong madaling panahon. Dapat, ang mga regulatory frameworks ay umiikot sa kasiguruhang ligtas gamitin at mapagkakatiwalaan ang mga AI-driven healthcare.

Isa pang concern ay ang healthcare workforce na kailangang mag-adapt sa mga pagbabago, dahil in the future, ang mga medical professionals ay magtatrabaho alongside sa mga AI systems, kung saan kailangan nila ang continuous education and training upang mapaghusay at maibigay ang kanilang full potential sa teknolohiya.

Ngayong may AI na sa medical field, bagong rebolusyon ito sa pagbibigay ng healthcare, research, at pag-aalaga ng pasyente. Maraming oportunidad ang ipina­ngangako nito upang mas mapabuti at mapabilis ang healthcare quality and accessibility, ngunit may pasubaling kinakailangan din ang maingat na navigation ng mga bagay na may kinakaman sa ethical and societal challenges, upang ma-maximize ang benefits ng AI sa medisina.

JAYZL VILLAFANIA NEBRE