AI HINDI IPAGBABAWAL SA ELECTION CAMPAIGN

Hindi siyento por siyento o ganap na ipagbabawal ng Commission on Elections ang paggamit ng artificial inteligence (AI) para sa pangangampanya sa 2025 midterm elections.

Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang pahayag nang tanungin ni Senator Francis Tolentino kaugnay sa inilabas na guidelines ng poll body kaugnay sa digital election campaign, sa budget hearing sa Senado  sa 2025 proposed budget ng Comelec.

Paliwanag ng opis­yal na  maganda naman ang AI kapag ito ay nagamit nang maayos su­balit iniiwasan din  ang misinformation, dis­information at fake news.

Sa ilalim ng guidelines dapat na ilantad ang AI usage at paggamit ng kaukulang teknolohiya ng social media accounts at iba pang mga digital platform ng mga kandidato para matukoy ang pagiging lehitimo ng source.

RF