ANG Artificial Intelligence (AI) ay isang teknolohiya na maaaring magbigay ng mga benepisyo sa digitalization program ng mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).
Ang AI ay maaaring makat- ulong sa pagpapabilis, pagpapabuti at pagpapababa ng gastos ng mga proseso ng koleksiyon, pag-audit, pag-monitor at pag-uulat.
Ang AI ay maaaring makatulong din sa paglaban sa corruption, tax evasion at smuggling na siyang nangungunang sulirahin ng administrasyon sa kung paano mabubuwag ang mga sindikatong nasa likod ng naturang mga ilegal na gawan.
Kaya naman si BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ay buhos ang atensiyon sa pagsalakay sa mga sindikato sa fake receipts, sales invoices, smuggling ng alak, sigarilyo, bigas, harina at iba pang produktong hindi nagbabayad ng buwis. Daan-daang taxpayers na ang sinampahan ng kaso sa Department of Justice ( DOJ) at sa iba pang korte.
Ang implementasyon ng AI ay mayroon ding mga negatibong epekto sa mga manggagawa, lalo na sa mga low-skilled at repetitive na trabahong maaaring mapalitab ng “robot” o “automation.”
Ang AI ay malakas ang impluwensiya sa educational system ng bansa, lalo na sa mga kolehiyo at unibersidad na gumagamit na ng AI para sa paggawa ng thesis at iba pang educational materials.
Ang AI ay nakatutulong sa pagbibigay ng mas maraming impormasyon, ideya at feedback sa mga mag-aaral at guro, ngunit ang AI ay hindi puwedeng palitan ang kritikal na pag-iisip, malikhaing pagsulat at etikal na pananaliksik na kailangan sa akademikong gawain.
Ang paggamit ng AI sa tax collection system ng BIR at BOC ay bahagi ng pagtaas ng tax collections at pagbilis ng serbisyo sa publiko.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ang digitalization efforts ng BIR at BOC ay nakatulong sa pagpapabuti ng tax administration, pagtaas ng koleksiyon, pag-enhance ng trade facilitation at pagbaba ng trade costs.
Ang AI ay nakatulong din sa pagpapabilis ng proseso ng pagpa-file, pagbabayad, pag-audit, pag-refund ng buwis, pagbibigay ng mas acurate at updated na data analytics sa paggawa ng epektibong policies, paglaban sa corruption, tax evasion at smug- gling.
May mga pag-aaral ang DOF na nagpapakita ng epekto ng AI sa digitalization program ng BIR at BIC. Ayon sa datos, ang BIR ay nakakolekta ng P2.07 trilyon noong 2021 na halos abot ang target na itinakda ng Development Budget Coordination Commit- tee (DBCC) habang ang BOC naman ay lumagpas sa target at nakakolekta ng P645.77 bilyon na mas mataas ng 4.7% sa DBCC set goal na P616.75 bilyon noong tax- able year 2021.
Samakatuwid, ang digitalization projects ng BIR-BOC ay nakatulong sa pagpapabuti ng tax administration, pagpapadali ng proseso para sa mga taxpayer at pagtaas ng collection efficiency ng ahensiya.
Ginagamit na rin sa iba’t ibang bansa sa buong mubdo ang AI para sa digitalization ng iba’t ibang sektor tulad ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, transportasyon at iba pa.
Itinuturing itong isang mak- abagong sistema ng computerization at digitalization na may potensiyal na magbigay ng mas maraming benepisyo at oportunidad sa lipunan.