AIAI DELAS ALAS WALANG KADALA-DALA SA PAGHAWAK NG TALENT

Ai Ai

WALANG kadala-dala, ‘yan ang katagang nabanggit ni AiAi delas Alas nang wallfacematanong siya sa tsikang may balak na naman daw siyang mag-handle ng talent.

By this time, hindi na grupo kundi isang tomboy na naging 12 finalist ng ongoing na “The Clash: Season2”  kung saan ay isa pa rin sa hukom si AiAi kasama pa rin sina Christian Bautista at Lani Misalucha.

Ani ni AiAi noong unang mga weeks ng The Clash ay aliw na aliw na siya sa talent ni Tombi Romulo na isang Ex-B, hindi raw Ex-Batallion kundi dating babae na ngayon ay aminadong tomboy.

Kaya nga nang matanggal sa kompetisyon si Tomi ay tutulungan ni AiAi si Tombi na magkaroon katuparan ang pa­ngarap nitong makilalang isang singer/entertainer. As in bibigyan niya ng kompetisyon sina Ice Seguerra at Jake Zyrus.

Pagdating naman sa kanyang showbiz career, matagal-tagal na rin naman na hindi napanonood si Ai Ai sa isang teleserye sa Siyete, huling teleserye na ginawa sa GMA-7, bukod sa guesting niya sa “Kara Mia”, ay ang “Sherlock Jr’ na pinagbidahan ni Ruru Madrid last year.

Masayang sinabi ni AiAi, sa pagpasok ng bagong taon ay mayroon na ulit siyang teleseryeng gagawin. Hindi pa nga lang niya binigay ang i­lang detalye at kung sino-sino ang makakasama.

NOVA VILLA MASAYA SA ENGAGEMENT NINA SARAH AT MATTEO

HINDI man na­ging close sa isa’t isa ay nagkaroon naman ng pakakataon ang NOVA VILLAbeteranang actress na si Nova Villa na makasama sa pelikula si Sarah Geronimo. Sa pelikulang “Miss Granny”. Magkahiwalay kasi lagi ang eksena nilang dalawa at mangilan-ngilan pagkakataon lang na nagkasama sila sa set.

Ani ni Nova, sobrang bait at magiliw si Sarah, nakagaanan agad niya ng loob. May mga time pa nga raw na nagpupunta si Sarah sa kanyang tent para magkatsikahan sila.

Pagdating naman sa tsikang engage na si Sarah, masaya si Tita Nova para sa actress. Deserve raw ito ni Sarah na siya na magpatakbo ng kanyang buhay dahil na rin naman sa edad nito. Time na raw para kay Sarah na maging malaya sa pagdedesisyon sa kanyang buhay.

Nang matanong naman si Tita Nova kung may bad experiences na rin siya sa mga artistang hindi niya kahenerasyon. Diretsang sinabi ni Tita Nova, may ilang artista talaga na walang respeto sa mga nakatatandang actor sa industriya. May instances daw na kahit makasalubong siya ng mga baguhang artista ay hindi man lang siya nito babatiin o kakawayan.

Dahil sa kanyang edad, hindi naman lahat ng artista ngayon ay ka­kilala niya at karamihan nga raw ay ngayon lang niya nakasama sa trabaho. Hingi lang ni Tita Nova sa mga ito ay kaun­ting paggalang sa mga nakakatanda.

Comments are closed.