Aida Mijeno, negosyanteng siyentipiko

Siyentipiko at negosyante, yan si Aisa Mijeno, ang co-founder ng SALt. Sabi niya, ang SALt ay isang social movement na nagpapatakbo ng ilawang ang gamit ay salt water. Isa itong malaking rebolusyon sa pagbibigay-ilaw sa mga rural communities across sa Pilipinas na hindi maabot ng kuryente. Sa halip na kerosene o langis ang gamitin sa mga ilawan, pupwede na ang tubig-dagat.

Noong 2014, inimbitahan siya bilang APEC CEO Summit panel member kasama si dating US President Barack Obama at Alibaba CEO, Jack Ma. Nais ni Ais ana maikalat ang maraming ilawan sa mga komunidad sa Pilipinas at posibleng sa Southeast Asia na rin. Direktor si Aisa ng De La Salle Innovation Labs. Bilang Co-Founder & CEO ng SALt (Sustainable Alternative Lighting), nag-develop siya ng metal-air based technology na pwede sa mga LED lamp at pwede ring charger ng low-power mobile devices tulad ng cellphone.

Noong ginagawa niya ito, wala siyang planong makipagkumpetisyon sa ibang imbentor ng sustainable alternative light sources. Ang gusto lamang niya ay maipakilala ang imbensyon niyang ilaw na kayang patakbuhin ng tubig-alat.

Yung iba, gumagamit na ng solar panels para sa olaw at appliances, pero sobrang mahal nito. Pero okay pa rin kahit mahal dahil renewable ito, at kung renewable, it means nagge-generate ng electricity para makapagpailaw ng lanterns, na hindi gagamit ng oil.

Bilang computer engineering graduate, ang totoong misyon raw ni Aisa sap ag-imbento sa SALt lamp ay ang baguhin ang habit ng mga Filipino na namumuhay sa malalayong komunidad na gumagamit ng kerosene lamps at kandila. Alam umano niyang delikado ang paggamit ng gasera. Bukod sa madalas maging sanhi ito ng sunog ay nagre-release pa ito ng black carbon na delikado sa kalusugan.

Aktibong miyembro si Mijeno ng Greenpeace Philippines, at naisip raw niya ito nang magsagawa siya ng personal immersion sa Kalinga. Habang nasa immersion, napansin niyang kailangang maglakad ng malayo ang mga residente para lamang makabili ng kerosene sa kanilang ilawan. Pero kung may SALt lamp, hindi na nila kailangan ang kerosene. Sa dalawang kutsarang asin at isang basong tubig lamang, magkakaroon na sila ng ilaw na aabot ng walong oras.

Swerte ang mga nakatira sa tabing dagat dahil pwedeng tubig-dagat na lamangg ang kanilang gamitin. Yun nga lamang, kailangan nilang magpalit ng lampara dalawang beses sa isang taon. Ang SALt lamp ay nagkakahalaga lamang ng P100, at P200 lamang sa isang taon ang gatong dito.

Sa ngayon, miyembro na si Aisa ng engineering faculty ng De La Salle University sa Lipa, Batangas, at itinuturo niya sa kanyang mga estudyante kung paano gumawa ng SALt lamp.

Palwanag ni Aisa, “Ang science behind galvanic cell is electrochemistry. Pag nag-submerge ng dalawang dissimilar metals in any form of electrolyte, in this case saltwater, nagge-generate siya ng electricity.”
Technically, ang SALt lamp ay battery na pwedeng i-drain out at i-replenish ang electrolyte para mas humaba yung buhay.

Tumanggap ng maraming pagkilala ang imbensyon ni Aisa sa Pilipinas, Singapore, Japan, at South Korea, pati na rin sa USA. Malapit na itong i-mass produce at ibebenta sa halagang P1,000 per unit, kapag nakumpleto na ang mga requirements para makakuha ng grant mula sa Department of Science and Technology (DOST). JVN