AIKO MELENDEZ IBINUNYAG ANG SIKRETO NG KANYANG PAGPAYAT

AIKO MELENDEZ

INI-REVEAL na ni Aiko Melendez ang sikreto ng kanyang  pagpayat at ang patuloy entra eksenapang pagiging fresh at blooming na aura niya.  Bukod siyempre sa bonggang career niya kung saan busy siya sa TV via “Primadonnas” at ang mga katatapos lang na pelikula, plus ang happy lovelife niya, sinasabayan niya ito ng pag-inom ng “Theobroma Superfood”.

Kay Aiko mismo nanggaling ang patotoo na super effective talaga ang nasabing superfood.

“Dumating talaga ‘yung point na 150/100 ang BP ko so I was rushed to the hospital. Natakot ako para sa health ko. Talaga namang dumating ‘yung worst time sa buhay ko na ang bigat ko at ang laki-laki ko.

“Then I saw Peter Serrano, my good friend sa pino-post niya sa FB. It’s about this Theobroma nga na super effective daw in losing weight at marami pang nagagawa sa katawan. So I called him at sinabi nga niya na subukan ko raw at marami raw talagang health benefits sa katawan.

“So I bought nga at ginamit ko. This was last March and until now, ginagamit ko siya. Ayan nga at very effective siya kasi I lost so.much weight. Tapos from a life-threatening BP of 150/100, ngayon ay 110/70 na ang BP ko.

“Dati user ako, ngayon pusher na. Sini-share ko kung ano ‘yung nagawa sa akin at maniniwala sila dahil makikita naman nila ang resulta, ” masayang kuwento ni Aiko.

Last November 26, 2019 ay pumirma na  si Aiko ng contract sa F2N Fortune Marketing bilang Ambassador of F2N Theobroma Superfood. Malaki ang bilib ng pamunuan ng nasabing produkto kay Aiko dahil bukod sa maganda ang image nito bilang artista, ginagamit din nito ang produkto.

INPFF MAS MALALAKING PREMYO ANG INIHANDA SA FILMMAKERS

NAGLALAKIHANG premyo ang nakatakdang ipagkaloob ng “Istorya ng Pag-Asa Film Festival” (INPFF) sa mga lalahok na Filipino filmmakers sa susunod na taon. A joint venture of the Office of Vice President Leni Robredo and the Ayala Foundation, Inc, the INPFF will mark its third run in 2020 fully intending to surpass the success of its first two years.

Tatanggap ng P100k plus trophy ang Best Film, 50K plus trophy ang 1st runner-up at 30k plus trophy sa 2nd runner-up. May mga cash prizes at trophy din para sa Best Director, Best Cinematography, Best Editing, People’s Choice Award, AFI Community Development Award, OVP Special Recognition Award pati na rin ang top 10 finalists.

Short films should only be 3-5 minutes long. Ang kuwento ay tungkol sa pag-asa ng bawat Filipino. All dialogues in Filipino or any other dialect must feature English subtitles. Submission of entries is on March 27, 2020.

Masaya si VP Leni Robredo dahil mula sa malalayong probinsya at sa kasuluk-sulukang mga probinsya ay nagpapakita ng interest ang local filmmakers. Masigasig sila na makagawa ng iba’t ibang kuwento ng pag-asa.

Sabi nga ni VP Leni Robredo, “It is our hope that through Istorya ng Pag-Asa—lalo na iyong istorya ng Pag-Asa Film Festival—Filipinos will be united around the common values of hope, of perseverance, of deep faith, and the goodness of humanity. Kasi iyon ‘yung talagang underlying theme ng bawat kuwento.

“Nakaka-amaze talaga ‘yung iba’t ibang kuwento na naririnig ko mula sa ating mga kababayan especially Filipinos from around the world. Kapag nasa ibang bansa ako, nakikipagkuwentuhan ako sa ating mga kababayan mostly OFW. Nakagugulat ang mga kuwento nila na tungkol sa pag-asa. Napakarami ng istorya ng pag-asa kaya naman ito ay para sa kanila. This is their platform upang maihayag nila ang kanilang mga kuwento.”

5 thoughts on “AIKO MELENDEZ IBINUNYAG ANG SIKRETO NG KANYANG PAGPAYAT”

  1. 55614 266024Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So nice to find somebody with some original thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this website is something that is necessary on the internet, someone with a bit originality. valuable job for bringing something new to the internet! 731512

  2. 240246 272087Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So nice to search out any individual with some original thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this web site is one thing thats wanted on the internet, somebody with a bit of originality. beneficial job for bringing something new to the internet! 329521

Comments are closed.