AIKO MELENDEZ WALANG SAMA NG LOOB KAY JOMARI YLLANA

NABASA raw ni Aiko Melendez ang tungkol sa isyu na pag-abandon ng ex niyang si sizzling bitsJomari Yllana sa ka-live-in nitong si Joy Reyes sa Pep.ph at dahil may karelasyon na rin siya sa ngayon in the person of Vice Governor Jay Khonghun, gusto raw niyang ibigay ‘yung respeto at ayaw na niyang mag-comment.

Pero ang prayer daw niya, kung ano man ang hinihingi ng bawat partido, sana mabigay, lalo na at may batang involved.

Although hindi raw sila in good terms talaga, “I’d like to give that to them—to solve this privately. And my heart, of course, goes to the kids because I’m a mother, too.

So sana maayos nila and mabibigay na kung ano yung nararapat sa mga bata.”

Patuloy pa ng star ng Prima Donnas TV sudsy, “Sabi ko, ‘I heard…’ I just told him, (her son Andre) ‘You know, whatever it is, kung anuman ‘yung me­ron kami, siguro that’s the reason why I’m blessed and worked hard siguro para maiwasan ko ‘yung ganitong issue.’

“Siguro, kaya rin siguro ako bini-bless ng Panginoon ng mara­ming trabaho para sa mga anak ko, para mabigay ko sa mga anak ko ang best para sa kanila.”

May second daughter pa si Aiko—si Marthena Jickain, anak niya sa kanyang second husband na si Martin Jickain.

Hindi raw niya pina­laki ang mga anak na tinuturuang i-hate ang kani-kanilang mga ama. Never raw niyang siniraan ang kanilang mga ama sa kanyang mga anak kahit na kung tutuusin ay marami siyang maaaring sabihin.

“I just want to remain pa rin, yung happy times namin with Jomari,” Aiko added. “Kasi, in the same way, gusto ko rin si Jomari, kapag naka-kausap niya si Andre, hindi niya ako iba-badmouth.

“So siguro, sa akin, this is to talk about child support, di ba, so sa akin, kung may kusa, thank you, kung wala, hindi naman ako namimilit.”

Anyhow, hindi raw siya nagtatanim nang sama ng loob sa kanyang mga dating nakarelasyon dahil feeling niya, she is so blessed and there’s no room for hatred.

“Parang kung maghi-hate pa ako and kung titingnan ko,” she added further, “kumbaga, dapa na si Jomari ngayon, e, because of the accusations being hurled at him.

“And in the same way, I feel for Joy also because babae ako and nanay rin ako, di ba? Kaya lang, ayokong pumagitna kasi gulo nila ‘yan. Sana ayusin nila.”

Speaking of the soap Prima Donnas, top-rating ito at isa sa matataas ang rating na soap sa GMA, malaki rin ang nagawa ng presence ni Aiko para panoorin ito nang nakararami.

Kwela rin ang eksena niya with daughter Brianna (Elijah Alejo) at Jaime Claveria (Wendell Ramos).

Sa ngayon, scalding hot talaga ang dating ng Prima Donnas kaya happy ang GMA sa favorable acceptance ng mga tao.

RETOKADANG AKTRES HIHIWALAYAN NA NG MILYONARYONG BENEFACTOR

NAKATAGPO na pala ng bagong karelasyon ang milyonar­yong supporter ng isang maluhong aktres na addicted sa retoke.

Sa true, hindi na mabilang kung ilang beses niyang pinabago ang kanyang ilong at dibdib.  Pati labi niya ay pabago-bago rin ang itzu at minsan na rin siyang nagpa-inject ng collagen sa mukha.

Pero ang pinaka-fetish niya ay ang kanyang ilong na hindi siya mapakali. Naroong ipa-upturn niya ito, paliitan at palakihan. Hahahahaha!

Hindi talaga siya makuntento. Buti nga at naibalik sa rati ang kanyang nosing kaya gumanda siyang muli.

Otherwise, malapit na siyang maging chaka.

Ang nakatatawa pa sa babaeng ito, confident siyang lumalabas mereseng may mga tahi-tahi pa sa ilong. Hahahaha!

Feel na feel niya ang mga shocked look ng mga otawzing na look to death talaga sa mga tahi sa kanyang ilong. Hahahaha!

Going back to her millionaire supporter, mayaman rin daw ang nakuha nitong bagong karelasyon at walang hilig sa retoke dahil she happens to be a natural beauty.

At dahil sa likas na mayaman, wala itong ilusyon sa pera being innately a self-made woman.

So nakahahabag naman ang retokadang girl. Mahirap ring maghanap ng datungerong benefactor, huh? Hahahahaha! ‘Yun nah!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

2 thoughts on “AIKO MELENDEZ WALANG SAMA NG LOOB KAY JOMARI YLLANA”

  1. 301807 70268Interesting point of view. Im curious to feel what type of impact this would have globally? Sometimes folks get a little upset with global expansion. Ill be about soon to look at your response. 22871

Comments are closed.