SIMULA sa Agosto 15, ipatutupad ng Air Asia Philippines ang baggage policy upang maging safety at efficient ang paglalakbay ng mga pasahero patungo sa kanilang mga destinasyon.
Sa ilalim ng cabin baggage policy, ang bawat pasahero ay ina-allowed magdala ng 7 kilograms at isang maliit na personal items sa loob ng eroplano.
Ito ay ang isang trolley bag or backpack na hindi lalampas sa 56 cm ang taas 36 cm x 36 cm ang lapad at 23 cm ang laki na siguradong magkakasya sa overhead storage compartment.
At pinapayagan din ang mga ito magdala ng maliit na personal item katulad ng handbag, o kaya laptop na mayroon sukat na 40 cm (height) x 30 cm (width) x 10 cm (diameter) na kakasya sa ilalim ng kanyang upuan.
Ayon kay Air Asia Communications and public Affairs Head and First Officer Steve Dailisan, layon nito na maging mabilis at walang hassles pagdating sa boarding maging sa disembarking process sa final destinations.
At pinapayuhan din ang mga guest na ang kanilang binili sa airport ay kasama sa sa kanilang mga baggage allowance, maliban sa mga duty free items na binalot ng security tamper-evident bag na nakaselyo ay exempt sa cabin allowance.
Ani Dailisan, para maiwasan ang problema i-check in ang malalaking bagahe na sosobra sa allowable limit nang sa gayon maiwasan na magbayad ng malaki.
FROILAN MORALLOS