AIR FORCE PLANE NAG- EMERGENCY LANDING

ILOCOS NORTE- NAPILITANG magsagawa ng emergency landing procedure ang piloto ng isang turbo prop light transport plane ng Philippine Air Force (PAF) kahapon ng umaga nang biglang sumabog ang gulong nito sa Laoag International airport.

Ayon kay Air Force Public Affair Office chief, Col Maynard P. Mariano ligtas lahat ang limang sakay ng eroplano nang sumadsad ito sa nasabing paliparan bandang alas-10:32 ng umaga.

Sa inisyal na ulat, sumabog umano ang gulong ng Indonesian made Turbo Prop NC212i with tail Nr 2119 habang nagsasagawa ng routinary landing roll sa Laoag Airport.

“ The pilots performed an emergency procedure and shutdown the engine at the runway,” ani Col Mariano.

Subalit, inihayag ng opisyal na sinisiyasat pa rin nila ang insidente.

“The PAF will continue to adhere to strict safety protocols to ensure the safe operation of its aircraft and equipment. VERLIN RUIZ