NAG-RETRENCH ang airline company AirAsia Philippines ng 12 percent ng mga empleyado nito dahil sa COVID-19 pandemic.
“Despite all our efforts to curb the effects of the pandemic, AirAsia has made the difficult decision of reducing the company’s workforce, but has done everything to keep the number of affected employees to a minimum, totalling 12% of all Filipino Allstars,” pahayag ng kompanya sa isang statement.
Ayon sa kompanya, binawasan ng senior officials sa AirAsia Group ang kanilang suweldo upang maibsan ang financial burden ng mga empleyado.
“Both the management and senior employees of AirAsia Group have volunteered a salary sacrifice, ranging from 100% at the very top to 15%,” anang kompanya.
Ang AirAsia ang ikatlong airline company na nag-anunsiyo ng retrenchment dulot ng pandemya. Ang unang dalawa ay ang Philippine Airlines at Cebu Pacific.
Ang PAL ay nagbawas ng 300 empleyado noong Pebrero habang ang Cebu Pacific ay nag-retrench ng mahigit sa 150 cabin crew noong Marso.
Comments are closed.