GINAGAMIT sa Balikatan Exercise 2019 sa pagitan ng mga sundalong Filipino at Amerikano ang namataang aircraft carrier ng mga mangingisda sa bisinidad ng Scarborough shoal.
Ito ang inilabas na official statement ng Joint Information Bureau ng Balikatan 2019 matapos na lumabas sa isang TV network na tila nagulat maging ang mga mangingisda sa presensya ng malaking barko ng US sa lugar.
Inihayag nila na ang aircraft carrier na ito ay ang USS Wasp na kasama ng mga Philippine Navy ship sa Subic Bay na nagsasa-gawa ng maritime security sa mga international waters kasama na ang south china sea bilang parte ng exercise baliktan na magtatagal pa ng ilang araw.
Sinadya aniya nilang hindi muna ianunsiyo sa media ang kinaroroonan ng barkong ginagamit sa exercise.
Subalit ito aniya ang unang pagkakataon na nakasama sa Balikatan Exercise ang USS Wasp bilang partner ng United States Marines Corps’ F-35B Lightning II aircraft
Dekada na rin umano ang ginagawang paglalayag ng US navy ships at pagsasagawa ng exercises sa South China Sea at hindi nila ito ihihinto. REA SARMIENTO
Comments are closed.