MAGSASAGAWA ng masusing imbestigasyon sa lalong madaling panahon ang Civil Aviation authority of the Philippines (CAAP) tungkol sa natagpuang mga aircraft debris ng ilang mangingisda sa Mercedes, Guiuan, Eastern Samar.
Ang debris na ito ay nakuha bandang 7:35 ng umaga noong Agosto 6 sa may Anuron beach resort.
Agad na nagtungo ang mga tauhan ng CAAP ng Tacloban at Guiuan Airport, kasama ang local PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dala ang K9 unit, representatives ng Mercedes local government unit (LGU).
Batay sa report ng Philippine Cost Guard (PCG), unang nakuha ang dedris ng mga mangingisda sa may baybayin ng Barangay Taytay sa harap ng Pacific Ocean.
Ang aircraft debris ay isasalin sa mga tauhan ng militar for safe keeping kasabay ng isasagawa ng imbestigasyon ukol dito.
Ayon sa Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC), wala namang report na nakarating sa kanilang opisina tungkol sa missing aircraft sa loob ng Philippines jurisdiction o kaya sa alinmang flight information region (FIR). FROILAN MORALLOS
Comments are closed.