AIRLINE WARNING VS ASF

AIRLINE

HINILING ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol kay Transportation Sec. Arthur Tugade na atasan ang mga airline na balaan ang mga pasahero sa umiiral na ban sa pagdadala ng meat products papasok sa bansa bilang pag-iingat laban sa African swine fever.

Nasa milyong baboy na ang naihiwalay sa pagkalat ng ASF virus sa Vietnam, Mongolia, Cambodia, Hong Kong at China – ang pinakamalaking pork producer at consumer sa mundo.

“Sumulat na tayo kay Secretary Art Tugade, na nakausap ko na rin. Hinihingi natin na kung maaari, i-require lahat ng airlines na lumilipad sa Filipinas galing sa mga bansang apektado ng ASF na mag-issue ng advisory before boarding doon sa point of embar-kation and before deplaning na bawal magdala ng karne sa Filipinas,” pahayag ni Piñol.

Ang ban, ayon sa kanya, ay sakop ang lahat ng meat products na  kulang sa sanitary permits.

“Unlike before na maluwag ang pagdala ng mga pasalubong, ngayon po masyadong istrikto na. In fact, kahit iyong hindi karne ng baboy, covered ng ating ban. Kapag wala kang papeles, sanitary permit na puwede kang magdala ng karne, kukumpiskahin iyan, like what they are doing in other countries,” sabi niya.

Nagpakalat na ng limang dagdag na K-9 units para mag-check sa mga bagahe sa main airport terminal 2, kung saan layon ng mga awtoridad na magkaroon ng 45 dogs bago matapos ang buwan ng Hunyo, sabi ni Piñol.

Hindi delikado ang ASF sa mga tao pero nakamamatay sa mga baboy at baboy ramo, at wala itong vaccine o gamot.

Nag-ban na noong nakaraang linggo ang regulators ng karneng baboy mula sa Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulga­ria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.

Isang “temporary ban” ang ipinatupad sa mga baboy at pork products mula sa China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Comments are closed.