AIRLINES HUMIHINGI NG FUEL SURCHARGES SA PATULOY NA PAGSIPA NG PRESYO NG LANGIS

FUEL

HINIHILING ng dalawang local airlines na payagan sila na kumolek­ta ng fuel surcharges, ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) kamakailan.

Hindi pinayagan ng CAB ang fuel surcharges noong nakaraang 3 taon dahil ang pandaigdigang presyo ng langis noon ay linggo-linggong bumababa pero ngayon ay pinag-aaralan ng ahensiya ang apela na muli itong ibalik, pahayag ng CAB legal division head na si Wyrlou Samodio.

“Ngayon kasi ang trend ay tumataas (oil prices) so nag-file sila (airlines) ng petition para i-lift namin ang prohibition for them to impose fuel surcharge,” lahad ni Samodio sa isang panayam.

Hindi binanggit ni Samodio ang 2 local airlines na nag-file ng petisyon pero sinabi na kung papayag ang CAB na magkaroon sila ng fuel surcharges, dapat payagan din nila ang ibang airlines.

Dagdag pa ni Samodio na ang surcharge ay hindi ipapataw ng magkakapareho kundi depende sa ruta, gamit na aircraft at iba pang mga kadahilanan.

Magsisimula ang CAB ng kanilang pag-uusap sa petisyon ng airlines bukas.

Comments are closed.