PINATUTUTUKAN ng Inter-Agency Task For the Management on Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa Department of Transportation (DOTr) ang mga airline na magmumula sa mahigit 30 bansang nasa ilalim travel restriction.
Batay sa kautusan ng Office of the President at ng IATF, dapat maging istrikto ang DOTr sa pagpapatupad ng mga regulasyon sa operasyon ng mga airline company na may kinalaman sa border control o pagpapasakay ng biyaheho mula sa ibang bansa.
Partikular na tinukoy na dapat maging mabusisi ang airline na alamin kung saan galing ang kanilang pasahero upang hindi makapuslit sa Filipinas ang mga manggagaling sa mga bansang nasa travel restrictions.
Layunin nito na maiwasan na makapasok sa bansa ang COVID-19 UK variant.
Dagdag pa ng IATF-MEID dapat ding paigtingin ang contact tracing protocols sa mga pasahero habang dapat pa ring obserbahan ang strict facility-based 14-day quarantine.
Maging ang Department of Interior and Local Government (IATF) ay inatasan na abisuhan ang local government units (LGUs) na maghanda para ayusin ang kanilang quarantine facilities bilang paghahanda pa rin sa mga pansamantalang ia-isolate doon.
Binigyan din ng direktiba ng IATF ang DILG na ipagamit ang StaySafe.Ph sa mga LGUs para sa mabilis na contact tracing. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.