NAKATAKDANG mag-resume ang airlines companies sa kanilang domestic at international flight sa darating na Mayo 16, ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng bilang pagbibigay daan sa kanilang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bilang paghahanda ay sumasailalim sa disinfection ang lahat ng kanilang mga aircraft gamit ang high grade products bilang pagsunod sa maintenance protocol o guidelines na ipinatutupad ng global aviation authorities.
Kasabay na inihahanda ang mga kagamitan na kakailanganin sa flight katulad ng protective mask, gloves, goggle at Personal Protective Equipment (PPE) na gagamitin ng kanilang mga crew upang maprotektahan ang kanilang mga pasahero.
Bukod sa mga PPE, ipatutupad din ang social distancing na one meter sa loob ng aircraft.
Samantala, nakikipag-coordinate ang Cebu Pacific (CEB) sa Department of Tourism at sa iba pang organisasyon upang maisakatuparan ang kanilang ilulunsad na sweeper and repatriation flights para sa domestic stranded passengers sa ibat-ibang lugar sa bansa na hindi nakauwi dulot ng COVID-19. ROILAN MORALLOS
Comments are closed.