PINASINAYAAN ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang CAAP Flight Surgeon at Aviation Medicine (OFSAM) Medical Building sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA).
Ayon sa pahayag ni Director General Jim Sydiongco, ang CAAP OFSAM ang siyang magppo-provide ng medical services, katulad ng neuro-psychiatrict evaluation, ECG, X-ray, refraction, blood chemistry, at dental services sa lahat ng mga airmen na nangangailangan ng medical evaluation for the purpose of licensing, at sa CAAP employees at kanilang pamilya.
Dagdag pa nito, inaasahan na maiiangat ang kanilang kakayahan sa pagkober sa health services ng kanilang mga tauhan partikular na sa COVID-19.
Ayon sa report umabot sa P23 Milyon ang ginastos ng pamahalaan sa isinagawang renovation works sa OFSAM, na sinimulan noong Mayo 24, 2019, at natapos nitong Marso. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.