NAGSAGAWA ng kanilang pagsusuri sina Philippine National Police (PNP) Chief, General Oscar Albayalde at PNP-National Capital Regional Police Office Director, Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa Ninoy Aquino International Airport, sa iba’t ibang bus terminal sa Kalakhang Maynila.
Ito ay upang rebisahin ang kanilang mga iniltag na security measures kaugnay sa kanilang PNP Operational Plan: Listas Sum-mer Vacation 2019 at security preparation kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.
Magkasamang nagsagawa ng inspection sina Albayalde at Eleazar sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na nasa Kennedy Road 1, Tambo, Parañaque City.
Kasama sina P/BGen. Eliseo DC Cruz, Southern police District Director at PCol Rogelio T. Rosales Jr., hepe ng Parañaque City Police Office, inisa-isa nila ang mga bus terminal sa kanilang nasasakupan kaugnay rin sa implementasyon ng “Ligtas SUMVAC 2019”.
Ayon kay PNP Spokesman, P/Col Bernard Banac, security inspection ang ginagawa nina Albayalde at Eleazar sa mga lugar na dinaragsa ng mga tao sa panahong ginugunita ng sambayanan ang Lenten Season o Holy Week.
Binusisi rin ni Albayalde ang mga tauhan na nakatalaga sa mga designated Police Assistance Desk, mga first aid station, at passen-ger buses. VERLIN RUIZ
Comments are closed.