AIRPORT EMPLOYEES NAILIGTAS SA ELEVATOR

NAIA

NAKULONG  sa loob ng elevator ang ilang airport employees at airline personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals 1, 2, 3 at 4 matapos biglang mag-brownout na tumagal ng lima hanggang sampung minuto.

Ayon sa report, agad na sinaklolohan ng mga tauhan ng maintenance ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga na-trap sa elevator, at puwersahan binuksan ang mga elevator upang makalabas ang mga ito.

Sa pahayag ng Media Affairs Division ng Manila International Airport Authority (MIAA) agad na binuksan ang mga generator sa bawat terminal.

Batay sa impromasyon, natengga ng limang minuto sa immigration counter ang ilang mga pasahaero na nakapila sa mga check-in counter sa terminals 1, 2, 3 at 4, ngunit agad namang ipinatupad ang manual check-in. FROILAN MORALLOS