NADAKIP sa checkpoint ang isang miyembro ng Airport Police Department (APD) ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa paglabag ng Omnibus Election Code (Gun Ban) na ipinatutupad ng Commission on Election.
Kinilala ang suspek na nakatalaga sa MIA na si Angel Asuncion, 28-anyos at nakatira sa Bitas St. Tondo Manila.
Naganap ang insidente noong Miyerkules sa Comelec checkpoint sa C5 service road malapit sa Mckinley Hills, Barangay Pinagsama sakop ng Taguig City.
Nakuha sa backpack ni Asuncion ang isang 9mm Caliber pistol,at magazine na mayroon 12 live ammunitions, ID Memorandum Receipt ng firearm, photocopy ng kanyang Mission Order ng Manila International Airport Authority (MIAA) at walang certificate of Authority to carry firearm galing sa COMELEC.
Batay sa report pinahinto si Asuncion ng mga pulis na nagbabantay sa checkpoint para sa beripikasyon at dito nadiskubre na tampered ang OR ng kanyang motorsiklo at nang buksan ang back pack nito ay nakitang may dala itong baril.
Bago mahuli si Asuncion, naglabas ng memo si Airport Police Chief Col. Adrian Tecson na ipinagbabawal ang magdala ng mga service firearm sa labas ng MIAA area of jurisdiction. FROILAN
MORALLOS