CAGAYAN – UPANG matiyak na ligtas ang kanilang lugar, inalerto ng mga opisyal ng International Airport sa Lallo laban sa novel coronavirus.
Sinabi ni Renz Umayam, officer-in-charge ng Cagayan Economic Zone Authority, mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga quarantine officer sa airport.
Ito ay para matiyak na agad na ma-isolate ang sinuman na makitaan ng senyales ng nasabing karamdaman.
Madalas na mga Chinese ang gumagamit sa nasabing paliparan na nagtutungo sa mga Casinos sa bayan ng Santa Ana at tourist destinations sa Cagayan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.