AIRPORT SA PALAWAN IPINASARA NG CAAP

SKYJET

PANSAMANTALANG ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Francisco B. Reyes Airport  sa Busuanga, Palawan o dating Busuanga Airport matapos mag-over shoot sa runway ang  Skyjet  airline.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito  mula sa CAAP, dakong 4:40  ng Biyernes  ng hapon nang mag-overshoot ang eroplano matapos malubak sa runway.

Ang Skyjet Flight M8 717 ay isang British Aerodpace  Bae 461  na pagmamay-ari ng Magnum Air Inc., at umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang alas-4:00 ng hapon noong Biyernes patungo sa   Busuanga, Palawan lulan ang 80 mga pasahero.

Ayon sa  pamunuan ng CAAP,  pagka-landing nito sa nasabing airport ay naka-encounter  ito ng  tinatawag nilang excursion sa runway hanggang sa ito ay magtuloy-tuloy  sa dulo ng runway.

Agad namang  kinansela ng Cebu Pacific ang apat nilang flight  sa Manila – Busuanga at Busuanga -Manila, DG 6041, 6042, 6057 at 6058 at saka inianunsiyo  sa  mga apektadong pasahero  ng  kanseladong flights na magpa-rebook o mag-full refund ng kanilang mga ibinayad sa ticket. FROI MORALLOS

Comments are closed.