PAMPANGA-SINISIMULAN na ang proseso sa pagsasaayos sa pagawa ng primary at secondary surveillance radar para sa Clark International Airport ng Clark International Airport Corporation.
Layun ng gobyerno na dagdagan ang radar facility dahil ang dating radar na gamit ng naturang paliparan ay higit na sa 16 na taon na ginagamit, kaya kailangan na itong dagdagan sapagkat mahalaga ang papel nito sa mga airport.
Ayon kay CIAC president Ret. Gen Aaron Aquino, una na niyang ininspeksyon ang civil aviation complex, aniya sa panahon na ito kailangan na ng modernong kagamitan para sa mas maayos na serbisyo sa mga Filipino.
Nabatid na ang naturang surveillance radar sa Clark airport, ay pinondohan ng halagang P593.6-milyon na inaasahang matatapos sa darating na buwan ng Pebrero sa taong 2023.
Idinagdag pa ni CIAC Vice President for Operations, Irish Calaguas, ililipat sa mas maayos at ligtas na lugar ang nga pasilidad ng radar partikular sa Lily Hill na isa sa pinaka mataas na lugar sa Clark.
Gagawin ito sa pamamagitan ng mga agency’s project engineers at representatives mula sa Evercon Builders and Equipment Corp. na una ng nakakontrata sa proyekto.
Nabatid na ang proyekto ay aprubado ang infrastructure expansion ng General Appropriations Act of 2020 sa ilalim ng BCDA. THONY ARCENAL