AIRSWIFT BIBILHIN NG CEB SA HALAGANG P1. 75B

BIBILHIN ng Cebu Pacific (CEB) ang 100% shares ng Air Swift Transport Incorporated sa halagang aabot sa P1.75 bilyon, ayon sa napagkasunduan at pagsang-ayon ng Board of Directors sa pagitan ng CEB at ALI Capital Corp.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, walang babaguhin sa flight schedules ng Air Swift, as is ang schedules ng Manila and Clark to El Nido in Northern Palawan Cebu, Boracay, Coron at Bohol.

Isa sa layunin ng CEB ay upang makuha ng kanilang kumpanya ang World-Class tourist destination sa lalawigan ng Palawan.

Kaugnay nito patuloy na isinusulong ng Cebu Pacific ang tinatawag na connectivity sa iba’t ibang destinasyon sa Pilipinashab ang nag-aalok ng mababang pasahe na nakatutulong sa paglago ng ekonomiya at tourism development goals.

Ang CEB ay mayroon 35 domestics at 26 international destinations sa kasalukuyang, at inaasahan na maibababa ng kumpanyang ito, ang air fare o pamasahe papuntang EI Nido.

FROILAN MORALLOS