SA matinding init na nararanasan, siguradong mataas ang bayarin sa koryente dahil tiyak na pagaganahin ng husto ang aircon upang maibsan ang mainit na pakiramdam.
Tiyak na magiginhawaan ang pakiramdam subalit, hindi ang iyong bulsa na paniguradong napakalaking konsumo sa koryente.
Dahil dito, inilunsad ng CLIXLogic, Inc. ang Airtron na isang produkto o aparato na makakatulong na mabawasan ang mataaas na konsumo sa koryente sa mga opisina, restaurant, at kahit na mga food chain at tahanan na gumagamit ng aircon ng walong oras pataas.
Pinagmalalaki ni Charlie Fernando, Presidente ng CLIXLogic, Inc. ang nasabing produkto na kung saan ay kaya nitong paba-bain ng 30 hanggang 50 porsiyento ang power consumption na nakukuha mula sa airconditioning system.
Ani Fenando, mayroong Energy Management System (EMS) ang nasabing produkto na makakatulong na pababain ang kon-sumo ng koryente sa halagang P11,998 bawat unit.
Tinukoy ni Fernando, ilang mga kompanya sa bansang Taiwan ang gumagamit na ng Airtron at matapos na ma-install ang nasabing produkto ay bumaba ng 32 porsiyento ang kanilang bayarin sa koryente.
Sa Filipinas naman, kinabitan ng nasabing aparato ang ilang kompanya ng Telstra sa Nasugbu, Batangas at sa loob ng apat na buwan ay nasa 50% ang ibinababa ng kanilang konsumo sa koryente.
Gayundin, sinabi pa ni Fernando na may isang malaking food chain ang kumuha ng 3,000 units ng Airtron na kung saan sa loob ng isang buwan ay kayang bawiin ang Return of Investment (ROI) na siyang halaga ng aparatong binili.