Parehong confident sina AJ Raval at Aljur Abrenica na walang magaganap na lokohan sa kanilang dalawa.
Si AJ daw kasi, sigurado siya sa sarili niyang hindi siya cheater, at si Aljur naman, he learned his lesson sa nagdaang niyang relasyon.
Sakali umanong dumating ang araw na maghiwalay sila, wala umanong sisihang magaganap.
“Kung dumating sa point na ganun, siguro sisisihin ko yung sarili ko,” ani AJ. “Kung naging maayos ba akong partner, naging nagger, nasuportahan ko ba siya noong time na down siya?”
Considering na isa siya sa 18 anak ni Jeric Raval na kilala sa pagiging babaero noong araw, wala raw siyang takot na baka siya ang magbayad ng mga kasalanan ng kanyang ama.
Apat ang anak ni Jeric sa legal wife na si Holiday Buensuceso at tatlo naman sa dating aktres na si Monica Herrera. Yung iba, ayaw nang sabihin ni Jeric.
Ngunit sa lahat umano ng pagkakamali niya, lagi siyang pinatatawad ng kanyang asawa.
Tiwala ang mag-amang Jeric at AJ na magiging faithful si Aljur. Ramdam umano ni AJ na mahal na mahal siya nito.
“Confident ako na hindi niya gagawin sa akin yun, kasi maganda ang dynamics namin,” ani AJ.
Nangako umano sa kanya si Aljur at natuto na ito sa kanyang pagkakamali nang mahiwalay sa estranged wife na si Kylie Padilla.
“Galing na siya sa pagkakamali, natuto na siya,” dagdag pa ni AJ.
Going strong ang relasyon ng dalawa kahit patuloy pa ring binabatikos.
Kamakailan lamang, natsismis sina AJ at Aljur na ay anak na. Tinawanan ito ni AJ dahil taon-taon siyang buntis sa halita.