AJ RAVAL DI NA SASAWSAW KINA ALJUR AT KYLIE DAHIL INASAR NG NETIZENS

faceup

BUTI naman, huminto sa pakikisawsaw ni AJ Raval sa isyung hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Kung nuong una, panay ang pagtatanggol niya kay Aljur, ngayon, tumahimik na. Masakit kasi ang banat ng mga ba­shers. Tinawag siyang “sawsawera, kabit, ilus­yunada,” hindi pa naman girlfriend ni Aljur.

Say pa ng mga netizens, feeling atat na atat si AJ kay Aljur. Kalowkah! Imagine, tawagin kang “homewrecker.” Maging ang ‘yung ina ay nag-emote para ipagtanggol si AJ at si Aljur. Hmmp!

Nagkamali ng pasok sa eksena si mother dea­rest. Kung aprubado sa kanyang magkarelasyon si AJ kay Aljur, di muna sana siya mag-ispluk dahil hindi pa napapawalang bisa ang kasal nila ni Kylie. Ow, e di cry galore si madir dahil sa bash ng netizens. Hindi kinaya ang mga parunggit na negatibo sa kanila.

Kung nanahimik na lamang sana silang mag-ina at nagpokus sa pag-aartista si AJ, okay sana. Sa totoo lang, madaling magpapansin sa mga di­gital plaforms.

Payong nakakatanda kay AJ, wala ka pang isang taong nag-aartista. Huwag ka muna magmadali lalo sa usaping pag-ibig. Susme, magmamahal ka rin lang, lalaking may asawa at mga anak pa. Tumahimik ka na lang unless, gimik lang ito para maraming manood ng pelikulang pinagsamahan ninyo ni Aljur.

PINSAN NI KYLIE, BINANATAN SI ALJUR

SOBRANG init ng isyung may third party sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Marami na ang nadadawit na showbiz personalities. May paratang pa si Aljur na si Kylie ang unang nag­loko.

Tumigil na si Kylie sa kanyang cryptic post sa social media, pero hindi nakatiis ang pinsan ni Kylie na si Princess Sicangco na may matinding banat sa aktor.

“Hey, Aljur please have some decency. Kylie never cheated on you. Not even when you could not put food on the table. You still owe her a lot of mo­ney which she never took against you. You cheated on her multiple times and we all know that. Stop your lies,” aniya. “It is not her fault why you have a lot of bashers. It was your choice to flaunt your new girlfriend in public, not hers. Despite the truth that you were an irresponsible husband who broke Kylie’s heart many times, she never went public to say something against you. When tito Robin spoke about your cheating, Kylie did not know about it. She even felt bad. Save some respect for yourself. Stop your lies.”

Hintayin natin ang sagot ni Aljur kay Princess.

IVANA ALAWI TIPELYA SI JOSHUA GARCIA

IKAW ba naman sabihan ni Ivana Alawi na may crush siya sa iyo, ano ang reaksiyon mo?

Sikat na vlogger cum actress si Ivana na walang kiyemeng sinabi niya na crush niya si Joshua Garcia. Sobrang dami ang nagreak, bigla na lang inili-link ang da­lawa. Millions ang followers ni Ivana at marami rin supporters si Joshua.

Nahuhusayan daw si Ivana sa pag-arte ni Jo­shua, at well appreciated naman ng binate ang sinabi ng vlogger-actress.

“Maraming salamat,” ani Josua. “Bukas ako sa pakikipagkaibigan. Kung may humahanga sa akin, nakakadagdag ng confidence ‘yun sa isang lalaki na tulad ko.”

Pwede naman silang mag-collab ni Ivana, di ba? Siguradong madaragdagan ang subscribers ni Ivana pag naging guest niya si Joshua, lalo na kung mauwi sa ibang lebel ng pagkakaibigan nila

Comments are closed.