AJ RAVAL INAMING NANLILIGAW SI ALJUR ABRENICA

Inamin ng dalaga ni Jeric Raval na si AJ na nanliligaw sa kanya si Aljur Abreni­ca. Ani AJ, kinikilala pa nila ang isa’t isa  sa ngayon. Hindi na raw siya magde-deny dahil hindi naman siya ipokrita. Totoo raw na  nag-uusap sila at ina­in din niyang si Aljur ay manliligaw na boyfriend material.

Sabi pa ni AJ, nagkakaintindihan silang da­lawa, at nag-aalala sa isa’t isa, pero wala pa raw silang relasyon. Pero nararamdaman daw niyang special siya kay Aljur. Hindi pa raw niya ito sasagutin sa ngayon dahil pinag-iisipan pa niya, ngunit malaki ang pag-asang sasagutin niya ito, dahil naa-appreciate niya ang mga ginagawa nito.

Nagkatrabaho sina AJ at Aljur sa Nerisa, ang Vivamax film na pinagbidahan nina Aljur at Cindy Miranda, kung saan si AJ ay narrator na saksi sa pag-iibigan ng mga karakter, at sa mga kalupitang dinanas ni Cindy sa kamay ng mga umabuso rito.

Ilang buwan nang pinag-uusapan ang uma­no’y ugnayan ng dalawa, ngunit binalewala ito ng asawa ni Aljur na si Kylie dahil pinag-usapan na raw nila ito. Isa pa, wala raw kinalaman si AJ sa hiwalayan nilang dalawa. Kung anuman ang ugnayan sa pagitan nina AJ at A.A. ay nangyari noong break na ang couple.

Dating boyfriend ni AJ si Axel Torres ngunit naghiwalay sila bandang June 2021 matapos ang halos dalawang taong relasyon. Limang buwan na namang hiwalay si Aljur kay Kylie. —  KAYE NEB­RE MARTIN

122 thoughts on “AJ RAVAL INAMING NANLILIGAW SI ALJUR ABRENICA”

Comments are closed.