Sino ba talaga ang ka-MU (as in malabong usapan) ni AJ Raval, si Aljur Abrenica ba – to the extent na nakisawsaw siya sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla kaya natawag siyang sawsawera – o si Diego Loyzaga na pinipilit naman ngayong maihiwalay sa current girlfriend na si Barbie Imperial.
Kung tutuusin, may pangalan na siya kahit paano, pero bakit laging may sabit ang mga lalaking nauugnay sa kanya? Sobrang haba ng hair mo, teh! Kakambal nga ba niya ang intriga sa showbiz o talagang nagpapaintriga lang siya para mapag-usapan?
Bago siya naging Viva Talent, nakipag-live in muna siya kay Axel Torres na hiwalay sa asawa at may anak. Si Axel ay produkto ng PBB ng ABS-CBN at isang indie actor.
Kasagsagan ng pamamayagpag ni AJ sa pelikula, naugnay naman siya kay Sean de Guzman kaya nakipaghiwalay dito si Axel.
HHWW naman ang lumabas na picture nila ni Aljur na nagpainit sa isyu ng hiwalayan nila ni Kylie. Naging mitsa pa nga ito ng pagsasagutan ng dating mag-asawa sa social media, kung saan umeksena si AJ na inakalang third party sa hiwalayan.
Ngayon naman, ang isyu ay ang bangayan at tarayan nina AJ at Barbie Imperial over Diego Loyzaga na ang pinagsimulan ay blind item ng isang vlogger.
Malas lang nila dahil malaki ang tiwala ng dalawa sa isa’t isa kaya sa halip na mag-away, yung nang-intriga ang hindi nila pinalusot. At dahil nga nakisawsaw na naman si AJ sa isyu sa hindi malamang dahilan, ito ngayon ang tinitira ni Barbie.
Nagalit din si Diego kay AJ at sa vlogger na kaibigan pala ni AJ – pero mas galit talaga si Barbie. Pinalalabas kasi ng vlogger na ma-on ni Diego si Barbie pero nililigawan pa rin si AJ – ang pictures na pinakakalat niya ay kuha sa scenes ng ginagawa nilang movie na “Death of a Girlfriend.”
Sumusumpa naman si Diego na hindi totong niligawan niya si AJ at nagbanta pa nga itong bubugbugin ang vlogger pag nagpatuloy ito sa paninira sa relasyon nil ani Barbie.
Hamon naman ng vlogger kay Diego, magsalita raw ito sa publiko na hindi totoo ang kanyang sinasabi. Ano yun, pampadami ng subscriber? O baka naman nag-iingay lang sila dahil maraming pelikulang ipalalabas sa livestream. In fact, may pelikula rin sina Barbie at Diego na ang title ay “Dulo.”
TV SURVEY,EPEKTIBO BA?
Paano ba ginagawa ngayon ng mga TV surveys tulad ng tapatang palabas na FPJs Ang Probinsiyano at I Left My Heart in Sorgoson?
Matindi ang casting ng serye nina Coco Martin, lalo pa at pumasok na ang karakter ni Sharon Cuneta. Ayon sa AGB Nielsen, nakapagtala ito ng 9.4% combined ratings mula sa A2Z, TV5, Cinemo at Kapamilya channel. Ang I left my Heart in Sorsogon ni Heart Evangelista sa GMA-7 ay 12.3%.
Considering na walang free TV ang FPJ’s Ang Probinsyano, mataas yung 9.4%, especially, anim na taon na itong umeere, kumpara sa mga katapat na bago pa lang sa panlasa ng mga manonood.
Pero paano nga nakuha ang mataas na rating, e magkaiba sila ng platform? Saka sino ba ang nagpa-survey?
Bilang ordinaryong manonood, sinusukat namin ang lakas ng palabas kapag loaded ng TV commercials. Siguro, hindi naiiba ‘yan sa political survey na iilan lang naman natatanong e, percentage viewing agad ang inililista. Again, sino ba ang nagbayad ng survey?