TAGLAY ng Akbayan ang hinahanap ng singer at aktor na si Gabe Mercado sa isang partylist group.
Sa isang post, sinabi Mercado na nakita niya sa Akbayan Partylist ang tapang, prinsipyo at paninindigan kaya ito ang ibinoboto niya sa nakalipas na tatlong halalan.
Ayon kay Mercado, ang prinsipyo at ipinaglalaban ng Akbayan ay katulad ng kanyang mga paniniwala.
Hanga rin si Mercado sa ipinakikitang tapang at paninindigan ng Akbayan para ipaglaban ang kapakanan ng mga Filipino, kahit sino pa ang pangulo ng bansa.
Nagpasalamat naman si Akbayan Partylist second nominee Atty. Gio Tingson sa suporta ni Mercado, sa pagsasabing malaki itong tulong lalo pa’t isa ito sa iginagalang na pangalan sa mundo ng showbiz.
Mahigit dalawampung taon nang naghahain ang Akbayan Partylist ng aksyon at solusyon para sa pamilyang Filipino.
Tinitiyak ng Akbayan na may sapat na pagkain ang lahat, may disenteng trabaho at sapat na kita at palaging ligtas at malusog ang mga pamilyang Filipino.
Comments are closed.