AKLAN PRODUCT EXPO TARGET ANG HIGIT P8.5-M NA KITA

Aklan Products

INAASAHAN ng Aklan product expo na kikita sila ng tinata­yang P8.5 million sa pagtatampok ng probinsiya ng mga bagong produkto nga­yong taon.

“Every year whenever I am around, they always have new pro­ducts. Aklanons are receptive to designs,” pahayag ni Trade and Industry Regional Director for Western Visayas Rebecca Rascon sa kanyang mensahe.

Ang expo, na ngayong ay nasa ika-17 taon, ay nakasakay sa temang “Go Green!” para maipagpatuloy ang adbokasiya ng DTI para sa mga mangangalakal na sumunod sa green practices.

Ito ay dinisenyo para ipakita ang iba’t ibang produkto mula sa Aklan, ipakilala sa mga target buyer ang mga bagong produkto at di­senyo nang makapagtayo ng bagong ugnayan sa merkado.

Ipinakita ang 60 kasaling micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang kanilang mga produkto na nagtampok sa naturally-dyed wearables, trendy fashion accessories, unique homewares at souvenir items, gayundin ang meat and bakery products.

Pahayag ni Rascon na isa sa mga exhibitor, Bread and Butter ang nag-iisang participant mula sa Western Visayas sa tutungo at sasali sa Anuga Fair sa Germany ngayong buwan.

“We hope that our participation to the Anuga Fair will augur inqui­ries and eventually sales for the producers,” ani  Rascon.

Idinagdag pa niya na ang exhibit ngayong taon ay “looks smaller but it becomes compact” at umaasa na mala­ki ang lugar na ibibigay para masiguro ang mas mataas na benta.

Ang taunang gawain ay inorganisa ng DTI Aklan; Hugod Aklanon Producers Association, Inc. at ng probinsiyang lokal ng Aklan sa pakikipagtulungan sa Provincial Micro, Small and Medium Enterprise Development Council.

Ang target sales ngayong taon ay tumaas ng kaunti sa P8.125 million sales performance noong nakaraang taon.

“We in DTI continue to look forward to programs that would benefit not only the big ones but also we are looking at inclusive growth as part of our DTI program,” sabi ni Rascon.

Nagsimula ang exhibit noong Lunes  sa event center ng SM City Iloilo at magtatapos sa Oktubre 13.PNA