TUMAAS ang bilang ng mga nangyayaring aksidente sa mga expressway sa bansa sa loob ng tatlong taon.
Batay sa talaan ng Toll Regulatory Board (TRB), dumami ng halos 60 porsiyento ang mga nangyaring aksidente sa walong expressways sa bansa simula 2016 hanggang 2018.
Ayon sa report ng TRB, mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon ay nakapagtala na sila ng 9,166 na mga aksidente sa walong expressways o katumbas ng 34 na mga aksidente araw-araw.
Higit na mataas ito sa naitalang 5,816 na mga aksidente noong 2016 at 7,860 noong 2017.
Kabilang sa walong nabanggit na mga expressway ang CAVITEX, Metro Manila Skyway, Muntinlupa – Cavite Expressway, NLEX, SLEX, Star toll way, SCTEX at TPLEX. DWIZ 882
Comments are closed.