AKSIDENTE SA TUNNEL: 1 TODAS, 7 SUGATAN

tunnel

CEBU CITY-ISANG babaeng rider ang nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan kabilang ang isang police officer sa naganap na sakuna sa loob ng tunnel sa South Road Properties (SRP) sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Pawang sakay ng mga motorsiklo ang mga biktima na umiwas lamang na mabasa ng ulan.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng Waterfront Police Station (Cebu City Police Station 3), biglang inararo ng rumaragasang  sports utility vehicle (SUV) ang anim na motorsiklo sa southbound lane ng tunnel na sumilong lamang dahil sa nararanasang pag-ulan.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Stephanie Hetutua, 26 anyos na isa sa mga sakay ng motorsiklo.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Police Captain Angelito Valleser, 44-anyos; Klent Christian Mansueto, 26-anyos; Jill Pacaña, 44-anyos; Jessie Abay, 33-anyos; Armando Gonzaga, 50-anyos; Joaquin Cutamora, 35-anyos; at Ronel Melecio.

Nabatid na sina Mansueto, Cutamora, Melecio, at Valleser ay agad na isinugod sa ospital tinamong sugat.

Samantala hawak na ng pulisya ang driver ng SUV na kinilalang si Tareq Leleng Farhat, 19-anyos.

Base sa salaysay ni  Farhat, hindi niya agad napansin ang mga nakaparadang  motorsiklo at kahit na nagawa niyang magpreno  ay nawalan siya ng kontrol dahil sa madulas na  kalsada. VERLIN RUIZ

Comments are closed.