IGINAGALANG ng Malakanyang ang desisyon ng Facebook na alisin ang mahigit 100 fake accounts.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na ang popular na global social networking company subalit tiwala pa rin na magiging maingat at walang pinapanigan sa kanila ang naging aksiyon sa isinara ang mahigit 100 pekeng accounts na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at posibleng presidential bid ng anak na si Mayor Sara Duterte Carpio sa 2022.
“However, we are one in advocating the truth and dismissing disinformation, lies or hatred,” pahayag ni Roque.
Apela ng Malakanyang sa Facebook na maging patas sa pagbibigay aksiyon sa mga account.
“We hope the social media giant would exercise prudence in all its actions to remove any doubt of bias given its power, influence and reach,” dagdag pa ni Roque.
Ayon kay Nathaniel Gleicher, Facebook head of security policy, ang mga naturang fake accounts ay natukoy mula sa mga indibidiwal mula sa Fujian province sa China kung saan ang mga aktibidad ay nakatuon sa Southeast Asia.
Sinabi pa ni Gleicher na ang mga naturang posts ay pawang sa wikang Chinese, Filipino at English patungkol sa mga global news at current events kabilang na ang interes ng Beijing sa South China Sea, Hong Kong, suporta kay Pangulong Duterte at sa pagtakbo sa 2022 presidential elections ni Mayor Sara Duterte, at mga usaping may kaugnayan sa mga overseas Filipino workers at papuri at pagtuligsa sa bansang China. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.