AKSYON SANA AT HINDI PAKSYON

masalamin logo

TATLONG buwan na lang at matatapos na ang hulaan kung sino-sino ang mga tatakbo bilang pangulo, VP, at mga senador ng bayan. Sa buwan ng Oktubre, pipila na sa Comelec ang mga wannabe para magsumite ng kanilang certificate of candidacy.

Pansin ninyo, mga ilang linggo na rin ang mga nagaganap na banatan, siraan, at batuhan ng putik sa pagitan ng mga nagbabalak tumakbo sa 2022 elections. Hindi pa kampanya ‘yan ha. Nandiyang mismong si Pangulong Duterte ay na-challenge ng pagbubulgar ukol sa korupsiyon ng kanyang kapartidong si Pacman. Nakisakay na rin si dating Senador Trillanes at inakusahan na naman ang pangulo pati na si Sendor Bong Go ng plunder o pandarambong. Actually, maririndi ka na rin sa ingay politika kahit wala pa ang kampanya.

Ang sabi nga ni dating Speaker Alan Petrer Cayetano, walang maidudulot na mabuti ang mga bangayan sa pagitan ng mga kandidato lalo na dahil nasa pandemya pa rin ang ating bansa.
Marami ang nagugutom, marami ang wala pa ring trabaho, at marami pa ang hindi nakakaahon mula sa kawalan na dulot g COVID-19. Kaya nga imbes na makisali sa mga siraan, minabuti na lang nitong si Cayetano na i-focus ang kanyang atensiyon sa pagtulong sa kapwa.

Kung tutuusin, hindi pa nga sigurado itong si Cayetano kung tatakbong pangulo, eh. Ang dinig natin, sa October pa ito magdedesisyon kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa 2022. Pero tingnan ninyo naman, mahigit 5,000 na ang nakatanggap ng Sampung Libong Pag-asa o 10K ayuda na tulong ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong BTS o Balik sa Tamang Serbosyo sa kongreso.

Malawakan na nga ang inabot ng P10K ayuda dahil kalat na sa buong bansa ang mga benepisyaryo nito.

Layon kasi ni Cayetano at ng kanyang grupo na matanto ng mga kongresista, senador at ng gobyerno na kailangan ng mga tao ngayon ang P10K ayuda bilang pag-ahon sa kanilang sitwasyon kaya nararapat na ito ay maisabatas o masali man lang sa Bayanihan 3.

Pero sa halip na banatan ang Kamara dahil sa kawalang aksyon sa 10K Ayuda Bill, ayun dinagdagan pa ni Cayetano ang kanyang tulong sa mga tao. Inilunsad ng kanyang grupo ang isa na namang proyekto na makatutulong sa ating mga maliliit na mga kababayan sa buong bansa. Ito ay ang pagbibigay ng P3,500 sa may 100,000 na mga sari-sari stores sa buong bansa bilang dagdag puhunan sa kanilang pagtitinda.

Nagkaroon na ito ng soft-launching sa Baguio City, Dagupan City, Olongapo City, at maging sa Guiguinto at Calumpit sa lalawigan ng Bulacan kung saan daan-daang sari-sari stores na ang nakibang.

Ayon nga kay Nanay Avelina ng Dagupan City, isa sa mga nakatanggap ng P3,500,malaking tulong ito sa kanyang tindahan na pilit nyang sinusustine ang paninda ngayong pandemya. Sabi nga niya, ‘yung kanyang tindahan ang kanila ring naging source ng makakain dahil sila na mismo ang kumokunsumo sa mga noodles, sardinas, toyo, bigas, at iba pa niyang paninda dahil nagkasakit ang kanyang asawa ngayong pandemya.

Bukod dito, iniikot din at binabalikan ni Cayetano ag mga grupo ng magsasaka at mangingisda na dati nang benepisyaryo ng kanyang PTK o Programng Presyo Trabaho Kita at muli niya itong inaabutan ng panibagong tulong pati na ang mga barangay health workers na mga pangunahing medical frontliners sa mga barangay.

Kaya nga siguro dalawang mayor na sa Central Luzon, sa katauhan nina San Fernando City Mayor Edwin Santiago at Tarlac City Mayor Christie Angeles, ang nagpahayag ng suporta kung tatakbo man si Cayetano bilang pangulo. Maging si Manay Gina de Venecia ay nanawagan na rin sa mga taga-Pangasinan na suportahan si Cayetano kung ano mang posisyon ang tatakbuhan nito dahil sa kabutihan ng puso nito sa ngalan ng pagseserbisyo.

Exciting na ang nangyayari sa bansa. Ngayon pa lang matuto na tayong kilatisin ang ating mga susunod na lider. Hindi na sapat ngayon na kilala at sikat ka lang. Hindi na rin pupuwede na puro plano lang. Dapat may kabalikat na aksyon ngayon pa lang.

50 thoughts on “AKSYON SANA AT HINDI PAKSYON”

  1. 299835 705697The next time Someone said a weblog, I hope that it doesnt disappoint me just as considerably as this. Come on, man, I know it was my choice to read, but When i thought youd have some thing intriguing to say. All I hear is truly a handful of whining about something you can fix in the event you werent too busy searching for attention. 675415

Comments are closed.