AKTIBIDAD NG MAYON MAS LALONG MATAAS

PATULOY  na nakapagtatala ang Phivolcs ng mas mataas na aktibidad sa Bulkang Mayon.

Batay sa monitoring ng Phivolcs, umabot na sa 339 rockfall events ang naitala sa naturang bulkan.

Ayon sa ahensiya, wala namang na-monitor na volcanic earthquake ngunit may 13 dome-collapse pyroclastic density current events sa bulkan.

Paliwanag pa nito, na nagkaroon ng katamtamang pagsingaw na 750 metro ang taas habang patuloy rin ang pamamaga ng bulkan.

Kasalukuyan pa ring nakataas sa Alert Level 3 ang bulkang Mayon. DWIZ882