BERLIN, GERMANY – BILANG bahagi ng preventive measure laban sa coronavirus disease (COVID-19), pinagpaliban muna ng Embahada ng Pilipinas sa Germany ang mga aktibidad para sa mga Pinoy kaugnay sa patuloy na paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa nasabing bansa.
Maglalabas sila ng pinal na araw kung kailan itutuloy ang mental forum na gaganapin sana noong Pebrero 6 dahil mas inuuna nila ang kaligtasan ng mga Pinoy.
Dahil dito hindi rin matutuloy ang mga activities kaugnay sa Women’s Month para mailayo ang mga Pinoy laban sa nakamamatay na virus kung saan umabot na sa 157 ang infected sa Germany.
Sa mensahe ni Philippine Ambassador to Germany Tess Dizon De Vega sa Star FM Bacolod, sinabi niyang patuloy ang komunikasyon nila sa Filipino communities at mga Pinoy nurses para masiguradong nasa mabuting kalagayan ang mga ito.
Tinatayang nasa 24,100 ang mga Pinoy sa Germany at umaabot naman sa 3,000 ang mga nag-tatrabaho sa hospitals. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.