AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA PNP NASA 2,843 NA

SUMIRIT pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) makaraang madagdag ang 444 bagong infected na pulis kahapon.

Dahil dito, nasa 2,843 ang kabuuang aktibong kaso ng nasabing virus sa police force habang ang kabuuang kumpirmadong kaso ay pumalo na sa 44,317.

Labindalawa mula sa nasa quarantine facilities ang gumaling kaya ang total recoveries ay 41,349.

Habang nananatili sa 125 ang bilang ng nasawi simula Abril 2020 at ang huli ay noong Nobyembre 10, 2021.

Samantala, umabot na sa 216,026 ang fully vaccinated cops, nasa 7,928 cops pa ang naghihintay pa ng ikalawang dose, 1,379 pa ang hindi nababakunahan kabilang ang 592 na may medical condition habang 799 ang ayaw pabakuna dahil sa labag sa kanyang paniniwala.

Nasa 37,701 pulis naman ang tumanggap na ng booster shots. EUNICE CELARIO