AKTOR SA ‘ANG PROBINSIYANO’ TINADTAD NG SAKSAK

Arnold Corpuz

CAVITE – NAKA-UNDERWEAR  lamang, walang buhay  at tadtad ng saksak ang ABS-CBN character actor na gumanap bilang alkalde sa “Ang Probinsiyano” na si Arnold Corpuz na natagpuan noong Miyerkoles ng gabi sa kaniyang tinitirhan sa Silang.

Sa ulat na nakara­ting sa PILIPINO Mirror,  noong Lunes pa lamang ay hindi na matawagan ng kaniyang mga kaanak ang 38-anyos na aktor, kaya  nagpasya silang pasu­kin na ang bahay nito sa Brgy. Biga 1.

Ayon sa Cavite police, may natagpuan na tatlong baso at alak sa balkonahe ng bahay na indikasyon na mayroon itong mga kasama bago nangyari ang krimen.

Nawawala naman ang dalawang cellphone at mga alahas ng biktima kaya maaaring pinagnakawan ito.

Bukod sa “Ang Probinsyano”, gumanap din siya sa Bagani at iba pang teleserye sa ABS-CBN.     VERLIN RUIZ /MHAR BASCO

Comments are closed.